Fernando, nagpaalala na umiwas sa paglusong sa baha na posibleng magdala ng Leptospirosis
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Bukod sa COVID-19 at Dengue, mariing ipinaalala ni Gob. Daniel R. Fernando sa publiko na iwasan ang paglangoy, paliligo at paglusong sa baha o gumamit ng proteksyon kung hindi maiiwasang ma-expose sa tubig na posibleng kontaminado ng Leptospirosis.
“Lahat ng sakit na meron tayong magagawa talaga para maiwasan, iwasan na po natin, kagaya ng Leptospirosis. Kasi dito may laban tayo, alam natin ang gagawin, alam natin ang source. ‘Yun pong sa umpisa simpleng pag-iwas, gamutan kapag hindi natin sinunod, minsan buhay ang kabayaran. Mahal po itong singil, ayaw po nating makitang nasasayang ang buhay ng mga Bulakenyo,” ani Fernando.
Ayon sa Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng Provincial Health Office-Public Heath, may kabuuang 11 na pinaghihinalaang kaso ng Leptospirosis sa lalawigan ngunit walang naitalang namatay mula Enero hanggang Hulyo 2021.
Anila, patuloy silang nagsasagawa ng pinaigting na health education at nagkakaloob ng prophylactic treatment (Doxycycline) sa mga maaaring kapitan ng sakit na ito tulad ng mga nakatira sa binabahang mga lugar, rumeresponde sa emergency at mga pulis.
“Currently, we have distributed 59,400 capsules of Doxycycline in 13 LGUs. Though mababa ang kaso, hindi tayo nagpapabaya para hindi na dumagdag pa sa problemang pangkalusugan ng mga Bulakenyo, at para maiwasan na rin ‘yung pangangailangan na magpunta pa sa mga ospital,” pahayag ni Dr. Jocelyn Gomez, provincial health officer.
Bukod dito, pinapayuhan din ng Kagawaran ng Kalusugan ang publiko na limasin ang mga tubig na posibleng nakontamina at alisin ang mga daga sa pamamagitan ng paglason sa mga ito o paglalagay ng trap at pagpapanatili ng kalinisan sa bahay.
Ang Leptospirosis ay isang sakit na nakakaapekto sa mga tao at hayop sanhi ng Leptospira. Sa tao, maaari itong magpakita ng sintomas gaya ng lagnat, pananakit ng kalamnan, pananakit ng ulo, pamumula ng mata at kung hindi magamot ay maaring magdulot ng sakit sa bato, meningitis, sakit sa atay at kamatayan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Matteo, panalangin sa Diyos na makasundo pa rin ang pamilya ni Sarah
Tila aminado si Matteo Guidicelli na hindi pa maayos ang relasyon niya sa mga magulang ng asawang si Sarah Geronimo. Ito’y matapos ihayag ng 30-year-old Fil-Italian actor na ang pagiging kompleto sana ng pamilya ni Sarah sa kanilang naging pag-iisang dibdib ang katuparan sa mga pangarap nito. Pero ayon kay Matteo, naniniwala siya […]
-
Bigas ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon ng gobyerno upang humupa ang inflation – Salceda
BINIGYANG- DIIN ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Second District Representative Joey Salceda na bigas ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno sa ngayon upang mapahupa ang inflation sa bansa. Pahayag ito ni Salceda matapos iulat ng Philippine Statistics Authority na sumipa sa 3.4 percent ang headline inflation rate nuong […]
-
‘Di big deal kay SHARON, nag-post pa sa IG niya: MARICEL, dapat irespeto sa ‘di pag-endorso kay Sen. KIKO bilang VP
PINAG-UUSAPAN pa rin hindi pag-endorso ng Diamond Star na si Maricel Soriano kay Senator Kiko Pangilinan na ka-tandem ni VP Leni Robredo Isa nga si Maricel sa big stars na dumalo si sa NCR grand rally nina VP Leni at Senator Kiko na ginanap sa Diokno Boulevard, Pasay City, noong Sabado, April 23, […]