Organized crime group, tumira kay Degamo – PNP
- Published on March 7, 2023
- by @peoplesbalita
ISANG organized crime group ang nasa likod umano ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief Col. Redrico Maranan, ang matataas na kalibre ng mga baril na gamit ng mga suspek, mga sasakyan at suot na uniporme ng law enforcement agencies ay indikasyon na may nagpopondo sa mga ito at sanay na pumatay.
“Meron itong grupo…Ang tawag natin dito sa mga ‘to ay organized crime groups dahil hindi naman ito mga ordinaryong kriminal kasi may mga sasakyan sila, mataas na kalibre ng baril, nakakakuha sila ng mga uniporme ng law enforcement agencies. So, isa talaga itong organisadong criminal groups,” aniya pa.
Aniya, tututukan ng PNP at AFP ang kaso hanggang sa maaresto ang iba pang suspek.
Sinabi pa ni Maranan na binigyan din ng sapat na seguridad ang pamilya ni Degamo gayundin ang bagong talagang gobernador ng Negros Oriental na si Vice Governor Carlo Jorge Reyes na nanumpa na kahapon kay DILG Sec. Benhur Abalos.
Nabatid naman kay Central Visayas police spokesperson P/Lt. Col. Gerard Pelare, na nakakatanggap na ng death threats si Degamo. Aniya, isiniwalat ni Degamo noong nakaraan ang tungkol sa iba’t ibang indibidwal na nagpapadala sa kanya ng mga mensaheng pagbabanta.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng multiple murder laban sa mga suspek at 10 iba pa.
Inaalam pa rin nila ang utak sa pamamaslang.
Matatandaang pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan si Degamo sa loob ng kanyang bahay habang namimigay ng ayuda sa Brgy. San Isidro, Pamplona, Negros Oriental nitong Sabado ng umaga. (Daris Jose)
-
Ads November 29, 2023
-
NAVOTAS OUTSTANDING FISHERFOLK, PINARANGALAN
BILANG bahagi ng 118th Navotas Day celebration, pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 10 Most Outstanding Fisherfolk sa taunang pagdiriwang ng Araw ng mga Mangingisda. Tinanghal na Most Outstanding Fisherfolk si Orlando Dela Cruz mula sa Barangay Tangos South. Siya at ang iba pang mga awardees ay nakatanggap ng plaque of recognition, […]
-
Mami vendor sinisi pa: ‘Safety tips’ sa publiko, ibinida ng holdaper
“‘PRE pasensya kana, kinausap naman kita ng matino eh, ‘di mo kasi ibinigay…hindi sana mangyayari yun, ayaw mo kasi maniwala sakin eh.. kala mo nagbibiro ako.” Ito ang mensahe ng suspek sa kanyang biktimang “pares mami” vendor matapos na masakote sa isinagawang follow up operation ng Manila Police District PS 5 kagabi sa Baseco, […]