Organizer ng Beijing Winter Olympics hindi na magbebenta ng tickets
- Published on January 19, 2022
- by @peoplesbalita
TULUYAN ng kinansela ng China ang plano nito na magbenta ng tickets sa publiko para sa Winter Olympics.
Ito ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan natiala ang mataas na bilang sa Biejing.
Ayon sa Beijing organizing committee na inalala nila ang kalusugan at kaligtasan ng mga manonood at mga atletang lalahok kaya nagdesisyon sila na huwag ng magbenta ng ticket.
Hindi naman nila nilinaw kung paano ang mga manood kung sila ba ay pipipliin lamang o ilalagay sa quarantine bago o pagkatapos ng laro.
Nauna kasi plano ng organizers na wala ng mga international audience sa mga laro at tanging mga domestic audience subalit dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Omicron ay kanila na rin itong inihinto.
-
Ads September 4, 2020
-
Cash assistance, hinahanda na ng DHSUD para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao
HINAHANDA na ngayon ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang financial assistance para sa mga pamilya na nawalan ng kanilang tahanan dahil sa 6.8 magnitude earthquake na tumama sa Mindanao dalawang linggo na ang nakalilipas. Sa katunayan, sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na ipinag-utos na niya sa mga […]
-
3 sangkot sa droga timbog sa buy-bust
Tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Navotas at Valenzuela Cities. Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez […]