OSAA, ipatutupad pa rin ang warrant of arrest laban kay Shiela Leal Guo
- Published on August 24, 2024
- by @peoplesbalita
IPATUTUPAD pa rin ng Senate Sergeant at Arms ang warrant of arrest na inihain ng Senado laban kay Shiela Leal Guo.
Ito ang kinumpirma ni Senate Sgt-At-Arms Retired General Roberto Ancan na ipinadala ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.
Nahuli ng mga otoridad sa Indonesia si Shiela Guo, ang kapatid ni Alice Guo at si Cassandra Li Ong, isa sa mga incorporators ng Lucky South 99 na iniimbestigahan sa Porac, Pampanga.
Ngunit bago ito maipatupad ay inabisuhan ang OSAA batay sa patnubay ng Department of Justice (DOJ) na isasailalim muna sa kustodiya ng National Bureau of Investigation o NBI sina Shiela at Cassanda para makapaghain na ng kaso laban kay Cassandra at makapagsagawa naman ng inquest proceedings ang Bureau of Immigration laban kay Shiela sa immigration charges.
Samantala, inatasan naman ni Escudero si Ancan na sumunod at ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa DOJ, NBI, BI, at PNP para sa maayos at mapayapang pamamaraan laban sa dalawang personalidad.
Gayunpaman, pinasalamatan naman ni Senadora Risa Hontiveros ang Indonesian authorities dahil sa mabilis na aksyon nito upang maaresto ang si Shiela at Cassandra
Inaasahan ni Hontiveros ang pagdalo nina Shiela at Cassandra ong sa ikakasang pagdinig ng tatlong komite sa Senado sa Martes, Agosto 27.
Giit ng senadora, mananagot ang dalawa sakaling hindi siputin ang ikakasang imbestigasyon.
Nakasentro naman ang pagdinig sa kung paano nakaalis ng bansa si Alice Guo.
(Daris Jose)
-
Lakers coach ‘di pa tiyak kung kailan makakapaglaro muli sina James at Davis
Hindi pa rin matiyak ni Los Angeles Lakers coach Frank Vogel kung kailan makakabalik sa paglalaro si LeBron James. Sinabi nito na kapwa bumubuti na ang kalagayan nina James at Anthony Davis. Dagdag pa nito, parehas niyang binabantayan kung saan aabot pa hanggang walong linggo bago makapaglaro si James dahil sa […]
-
DepEd, pangungunahan ang 2023 National ‘Brigada Eskwela’ kick-off sa Tarlac
PINANGUNAHAN ng Department of Education (DepEd) ang National “Brigada Eskwela” (BE) kick-off program ngayong taon sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng Tarlac. Ang “Brigada Eskwela” ay inisyatiba ng DepEd sa ilalim ng Adopt-A-School Program na nananawagan para sa “engagement and collaboration” ng iba’t ibang personnel at stakeholders, gaya ng subalit hindi limitado […]
-
Daphne Oseña-Paez bilang bagong ‘press briefer’
PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lifestyle TV host at entrepreneur na si Daphne Oseña-Paez bilang bagong “press briefer”. Pormal na pinangalanan ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer-in-charge ng Office of the Press Secretary (OPS) si Oseña-Paez sa mga mamamahayag sa Palace press briefing, araw ng Martes. “Simula ngayong araw […]