Ospital sa NCR mapupuno sa Agosto
- Published on July 30, 2021
- by @peoplesbalita
Posible umanong magkapunuan o umabot ng full capacity ang mga pagamutan sa National Capital Region (NCR) sa kalagitnaan ng Agosto kung hindi kaagad magpapatupad ang national government ng community quarantine restrictions.
Ayon kay OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, base sa projections mula sa Thailand, Malaysia at Vietnam, ang health care utilization rate sa Metro Manila ay maaa-ring umabot sa 100% pagsapit ng Agosto 15.
Ani Austriaco, sa sandaling magsimula ang surge ng Delta ay mabilis na itong dadami at kakalat.
Matatandaang hinihikayat ng grupo ang pamahalaan na agapan ang pagpapatupad ng “circuit-breaker lockdown” sa NCR upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19 infections, na maaaring dulot anila ng mas nakakahawang Delta variant.
Gayunman, inihayag ng Department of Health (DOH) na wala pa sa antas na kailangan ng lockdown ng rehiyon at kailangan pa itong ikonsulta sa Inter-Agency Task Force (IATF).
Babala naman ng eksperto, maaaring ma-overwhelm ng high transmission rate ang contact tracing capacity ng mga lokal na pamahalaan.
Aniya pa, mahirap magsagawa ng contact tracing kung ang mga tao ay madalas na magpalipat-lipat sa iba’t ibang lungsod.
Samantala, nanindigan din si OCTA Research Fellow Dr. Guido David na dapat nang magpatupad ng lockdown ang pamahalaan sa lalong madaling panahon habang hindi pa nagkakaroon ng surge ang Delta variant cases.
Aniya, kung magpapatupad ng early circuit-breaker lockdown sa Agosto 1, maaaring kailanganin lamang ng isa o dalawang linggo upang makabawi at magkaroon ng epektibong kontrol sa pandemya ang pamahalaan.
Gayunman, ang late circuit-breaker aniya sa Agosto 16 ay maaaring magresulta sa high case loads na lampas sa 2,500 kada araw at maaaring mangailangan ng mas mahabang lockdown period.
Nagbabala rin ang grupo ng mga eksperto na kung mananatili ang bansa sa status quo, maaaring makapagtala ng 2,000 bagong kaso kada araw sa NCR sa Agosto 10 o umaot sa 3,000 kada araw pagsapit ng Agosto 17. (Gene Adsuara)
-
AJ, pinagalitan ng ama na si JERIC dahil nag-post ng topless photo kaya deleted na
ANAK ng dating action star na si Jeric Raval si AJ Raval. Itong Death of A Girlfriend ang second film ni AJ after Gusto Kong Maging Porn Star. Dahil mas may experienced si Diego Loyzaga sa acting kumpara kay AJ, malaki raw ang naitulong ng actor para maging comfortable si AJ […]
-
DA, magkakaloob ng P5M pautang sa bawat meat vendor association ngayong panahon ng krisis
NAKAHANDA ang Department of Agriculture na magkaloob ng P5 milyong pisong halaga ng loan para sa mga meat vendors association . Sinabi ni DA Sec. William Dar, na layon nitong matulungan ang mga tindera ng baboy na magkaroon ng sapat na kapital ngayong panahon ng krisis. Aniya, magsisilbing zero interest ang pautang na […]
-
Opisyal nang pumirma bilang host ng ‘Face to Face: Harapan’: KORINA, sanay na mag-referee sa pagitan ng mga nag-aalitang panig
OPISYAL nang pumirma si Korina Sanchez-Roxas bilang host ng ‘Face to Face: Harapan,’ isang bagong yugto para sa iconic program ng TV5. Simula Nobyembre 11, mapapanood ang ‘Face to Face: Harapan’ mula Lunes hanggang Biyernes, alas-4 ng hapon, bago ang ‘Wil to Win’ sa TV5. Ang award-winning journalist na si Korina […]