• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Oust Marcos plot, ‘hallucination’- Roque

SINABI ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na “hallucination” lang ang napaulat na planong pagpapatalsik di umano ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puwesto.

 

 

Ang pahayag na ito ni Roque ay tugon sa ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes III na dahil sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Duterte kung bakit may ugong at planong destabilisasyon ngayon sa administrasyong Marcos.

 

 

Sa ulat, sinabi ni Trillanes na dating mga retirado at aktibong opisyal ng Philippine National Police (PNP) na aniya ay sanggang dikit umano ni Digong ang kasama sa planong destab para pahiyain ang kasalukuyang administrasyon.

 

 

Nagsimula umano ang “recruitment”noong nakaraang taon subalit wala pang nahihikayat.

 

 

Kumbinsido si Trillanes na ang destab plot ay para protektahan si dating Pangulong Duterte mula sa pagpapalabas ng warrant of arrest ng ICC kaugnay ng kasong crime against humanity of murder sa kasagsagan ng kampanya laban sa illegal drugs.

 

 

Layon umano ng ouster plot na mapatalsik si Pangulong Marcos upang pumalit si Vice President Sara Duterte.

 

 

Napag-alaman na posib­leng lumabas sa susunod na buwan ang arrest warrant ng ICC laban kay dating Pangulong Duterte.

 

 

Sa kabilang dako, napaulat din na humihingi na rin ng tulong ang ICC sa International Criminal Police Organization (Interpol) para maipatupad ang arrest warrant.

 

 

Muli namang iginiit ng dating Senador ang naunang pahayag na dahil may mga kasapi na ng PNP ang nagbigay ng kooperasyon sa ICC na nagpapatunay na may kinalaman ang administrasyong Duterte sa extra-judicial killings (EJK) noong panahon ng pamumuno nito.

 

 

Tinuran ng dating senador na nakilala na kung sinu-sino ang mga pasimuno sa planong pabagsakin ang gobyerno at may mga hakbang ng ginagawa ang pamahalaan hinggil dito. (Daris Jose)

Other News
  • Pakikiramay bumuhos sa pagpanaw ni Johanna Lim Uy national underwater hockey member ng bansa

    BUMUHOS  ang pakikiramay sa pagpanaw ni Johanna Lim Uy ang miyembro ng Philippine national underwater hockey team sa edad 41.     Kinumpirma ng Philippine Sports Commission ang pagpanaw ng 41-anyos na atleta.     Ayon sa PSC na kasama niya ang 67-anyos na ina ng nasawi matapos na hindi sila makalabas ng kanilang bahay […]

  • Dahil kailangang mag-stay ng three months sa Korea: MARIAN, tinanggihan na ang offer na maging ina ni KIM SEON HO sa pelikula

    TOTOO nga pala na may offer kay Marian Rivera na gumanap bilang Filipina mom ng South Korean actor na si Kim Seon Ho sa Korean film nito na Sad Tropics.     Ito ang project na nagtuloy-tuloy gawin ni Seon Ho after his scandal. Nang lumabas ang balitang ito, minessage na namin si Marian at […]

  • Putol kuryente itigil muna – Duterte

    Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na nagbabawal sa pagputol ng kuryente ng mga “lifeliners” o low-income households.     Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, iiral ang “no disconnection” policy hanggang ngayong buwan ng Pebrero.     Ang mga “lifeliners” ay ang mga kabahayan na hindi lumalampas sa 200 kilowatt hour  ang konsumo […]