• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Overpriced’ laptops iimbestigahan ng Senado

PINAPAIMBESTIGAHAN  ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel ang isyu kaugnay sa ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops na binili ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

 

 

Sa Senate Resolution 120 ni Pimentel, ­inaatasan nito ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations na silipin ang ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops para sa mga public school teachers.

 

 

Ang nasabing biniling mga laptops ng PS-DBM para sa DepEd teachers ay aabot ng P2.4 billion.

 

 

Lumalabas sa Agency Procurement Request (APR) ng DepEd na P35,046.50 ang halaga ng kada unit ng laptop pero batay sa sariling market survey na ginawa ng PS-DBM, ang kada unit ng laptop na may kaparehong specifications ay aabot ng P58,300.

 

 

Bukod sa sobrang mahal na presyo ng laptop ay ‘outdated’ din ito dahil ang processor ng laptop na Intel Celeron ay napakabagal para magamit ng mga guro sa online learning.

 

 

Bukod dito, ang intended beneficiaries ng mga laptop na 68,500 na mga guro ay nabawasan pa at nasa 39,583 public school teachers na lamang.

 

 

Ipapatawag sa pagsisiyasat ng blue ribbon committee ang DepEd at PS-DBM para pagpaliwanagin kung bakit ‘overpriced’ ang presyo ng laptop gayong ito ay outdated, napakabagal at nabawasan pa ang bilang ng mga makikinabang na guro. (Daris Jose)

Other News
  • Kaya tinanggap agad ang movie with Gerald: KYLIE, ‘di itinanggi na dumaan din sa mental health issue

    MATAPANG na tumatalakay sa isyu ng mental health at suicide ang isa sa official entry sa Summer Metro Manila Film Festival na “Unravel” mula sa MavX Productions at kunsaan, kinunan buo sa Switzerland.       First time na pinagtatambalan ito nina Kylie Padilla at Gerald Anderson. At hindi itinanggi ni Kylie na siya mismo, […]

  • Malakanyang, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang anak laban sa tigdas

    HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas dahil sa posibilidad na maharap ang bansa sa panganib ng pagkakaroon ng outbreak nito sa 2021. Pinawi naman ni presidential spokesperson Harry Roque ang takot ng mga magulang sa pagsasabing napatunayang ligtas ang bakuna sa tigdas para sa mga kabataan. […]

  • Le Col Challenge