Malakanyang, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang anak laban sa tigdas
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas dahil sa posibilidad na maharap ang bansa sa panganib ng pagkakaroon ng outbreak nito sa 2021.
Pinawi naman ni presidential spokesperson Harry Roque ang takot ng mga magulang sa pagsasabing napatunayang ligtas ang bakuna sa tigdas para sa mga kabataan.
“Ang mensahe po ng Presidente mga magulang, huwag po natin katakutan ang bakuna. Itong bakuna naman po sa measles, isa na sa mga pinakaluma, pinakamaagang ginagamit na natin,” ayon kay Sec. Roque.
“Bakit pa po natin i-eexpose sa aberya ang mga minamahal natin sa buhay na mga tsikiting? E samantalang meron naman po tayong tried and proven na bakuna laban dyan,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, hinikayat ng isang eksperto ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas sa harap naman ng naunang babala ng Department of Health (DOH) na posibleng magkaraoon ng measles outbreak sa susunod na taon.
Sinabi ni Dr. Cynthia Cuayo- Huico na hindi dinadala ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga health centers at mga ospital dahil na rin sa takot na mahawa ng coronavirus disease.
“Takot na takot kami kasi nga baka magkaroon na naman tayo ng epidemic ng measles kasi ang measles sasabihin nila tigdas lang yan pero kasi [may mga] complication [tulad ng] pneumonia, LBM, (lower bowel movement), encephalitis,” sabi ni Cuayo- Huico sa isang panayam.
Idinagdag ni Cuayo-Huico na dapat ikabahala ang pagtaas ng mga kaso ng tigdas na posibleng maging dahilan para mapuno ang mga ospital dahil sa komplikasyon dulot nito.
Lantad ang mga batang edad dalawa pababa sa impeksyon dahil na rin sa mababang immune system.
Tiniyak naman ni Cuayo-Huico na maaari pang habulin ng mga magulang ang bakunang hindi naibigay sa kanilang mga anak.
“Oo pwede yan habulin… hanggang mga four years old pwede yan habulin pero napakalate na nun,” ang pahayag nito.
Nitong Miyerkules, inihayag ng DOH ang supplemental immunization program para sa measles, polio, at rubella simula Oktubre 26.
Kabilang sa mga unang target ng programa ang mga lugar sa Mindaanao, Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos, Cagayan, Bicol at MIMAROPA.
Nakatakda namang ipatupad ang ikalawang bahagi ng immunization program simula Pebrero sa susunod na taon sa National Capital Region (NCR), Central Luzon, at CALABARZON. (Daris Jose)
-
Netizens, tinag pa si Kim para subukang mag-react: Photo nina BARBIE at XIAN na kuha sa isang hotel, ginawan ng malisya
NAG-VIRAL ang photo nina Barbie Imperial at Xian Lim na kuha sa lobby ng isang hotel sa Davao Oriental dahil nilagyan ito ng malisya ng ilang netizens. Una itong lumabas sa Facebook post ng isang hotel sa Mati, Davao Oriental noong Linggo, May 15 at may caption ito na, “Thank you so much, […]
-
Bus vs ambulansya: 8 sugatan
Nasa walong katao ang nasugatan matapos na magbanggaan ang isang bus at ambulansya sa Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi. Hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng mga sugatang biktima na kinabibilangan ng driver ng bus na nakilalang si Alber Lappay, 38, ang kanyang konduktor at anim na mga pasahero, na […]
-
Matatagalan pa bago makabalik ng ‘Pinas: Fulfilling kay AI-AI ang magtrabaho sa isang nursing home
KASALUKUYAN nang napapanood ang award-winning Kapuso adventure series na ”Lolong” sa Indonesia, na may titulo roon bilang “Dakkila.” Pinalabas na noong nakaraang Lunes ng gabi ang “Dakkila” sa Indonesian channel na ANTV. Narito ang naka-post sa Facebook ng ANTV: “TODAY!! Don’t miss watching the story of Dakkila […]