• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Overseas voting sa Shanghai, China on hold pa rin

ON HOLD pa rin ang Overseas voting sa Shanghai, China dahil pa rin sa mga lockdown na ipinaiiral ngayon doon.

 

 

Sa kabila ito ng unti-unting pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan ay mas mababa na lamang sa 20,000 ang bilang ng ma naitatala sa araw-araw.

 

 

Inamin ni Consul General Josel Ignacio na dahil sa mga lockdown ay hindi pa rin nakukuha ng konsulado ang election materials mula sa Chinese Customs.

 

 

Ngunit aniya sa ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Shangkai Foreign Affairs Office upang mapahintulutan na muli ang kanilang pagbubukas.

 

 

Mayroon naman daw kasing iba pang paraan para makaboto ng personal sa foreign service posts ang mga kababayan natin doon, tulad ng Philippine Consulates sa Xiamen, Hong Kong, at Macau.

 

 

Kinakailangan lamang na makapaghain ang mga ito ng kanilang manifestation para bumoto sa isa pang post bago sumapit ang April 30.

 

 

Samantala, batay sa pinakahuling datos ay tinatayang nasa 1,600 ang kabuuang bilang ng mga rehistradong Filipino overseas voters sa China, karamihan sa mga ito ay mula sa Shanghai habang ang ilan naman ay nasa Zhejiang, Jiangsu, Anhui, at Hubei.

Other News
  • PBBM, hinamon si Quiboloy na lumantad at harapin ang congressional inquiry

    HINAMON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy na lumantad at harapin ang imbestigasyon laban sa kanya ng Kongreso na may kinalaman sa criminal allegations laban sa kanya.     “I would just advise him that, just, kung mayroon naman siyang sasabihin, if … he has […]

  • Mabigyan ng trabaho at oportunidad ang mga “ex-convict, isinusulong ng mambabatas

    ISINUSULONG  ng isang mambabatas na mabigyan ng trabaho at oportunidad ang mga “ex-convict,” at matiyak ang produktibo at “crime-free” na buhay nila sa komunidad.     Sa House Bill 1681 o “Former Prisoners Employment Act,” sinabi ni Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas na kadalasan na kapag nakalaya na ang mga bilanggo ay nahaharap sila […]

  • KYLIE, naka-move on na kaya dedma na lang nababalitang relasyon nina ALJUR at AJ; malaki ang pasasalamat kay ANDREA

    KUNG maingay ang balita sa relasyong Aljur Abrenica at AJ Raval, iba naman ang drama ni Kylie Padilla.     Tila dedma o talagang naka-move-on na si Kylie sa naging hiwalayan nila ni Aljur at tila unaffected na ito kung kanino man nali-link o balitang may karelasyon ang ama ng mga anak niya. Nag-like pa […]