• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OVP, dinepensahan ang confidential expenses, good governance fund

DINEPENSAHAN ng Office of the Vice-President (OVP) ang  confidential expenses at good governance funds sa ilalim ng 2023 budget proposal.

 

 

Sinabi ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Reynold Munsayac  na ang  P2.2-billion good governance fund ay inilaan para sa public assistance, gaya ng basic social services, medical at burial assistance,  “Libreng Sakay” project, at livelihood programs.

 

 

Habang ang  P500-million “confidential expenses” ay gagamitin naman sa  mga programang may kinalaman sa  peace and order, at national security.

 

 

“The confidential fund was requested and will be utilized using the parameters set by the DBM (Department of Budget and Management) and the COA (Commission on Audit) in their joint circular,” ayon kay Munsayac.

 

 

“The position and mandate of the Vice President allows her to utilize those kinds of funds regarding peace and order and national security, especially [since] we have livelihood projects that will be implemented in conflict areas,” dagdag na pahayag nito.

 

 

At nang hingan ng komento sa usapin na mas  mataas ang budget na hiningi ni Duterte kumpara sa budget ni dating  Vice President Leni Robredo, sinabi ni Munsayac na may sariling “priority projects” ang bawat ahensiya ng pamahalaan.

 

 

“Bawat po head of agency, executive man yan o kung anong ahensya hawak niya, mayroon po silang priority projects at kami po, ang request namin na budget, iyan iyong sa tingin namin kailangan namin para i-implement namin iyong mga priority projects namin,” anito.

 

 

“Siguro iyong nakaraang administrasyon, mayroon silang certain projects at iyong budget nila ay sufficient na para doon,” ayon pa rin kay Munsayac.

 

 

Tiniyak ni Munsayac  na magiging  transparent  ang OVP sa paghawak ng pondo.  (Daris Jose)

Other News
  • BEA, halatang-halata naman na si DOMINIC ang karelasyon kahit ‘di umamin

    KAHIT na hindi umamin nina Bea Alonzo at Dominic Roque, halatang-halata naman na si Dominic talaga ang karelasyon ni Bea.     At palagay namin, may isang taon o mahigit na rin sila. Simula pa ito nang mapansin din naming sa kanilang mga social media post.     Matagal nang nali-link ang dalawa. Ilang sightings […]

  • Ads February 8, 2021

  • Pinay tennis star Alex Eala umangat ang ranking sa WTA

    Umangat ang WTA ranking ni Filipina tennis player Alex Eala.       Mula sa dating 737 noong nakaraang buwan ay nasa 715 na siya ngayon. Ito na ang pinakamataas na ranking na narating ng 15-anyos na tennis player.       Noong nagsisimula pa lamang ang taon ay nasa ranked 1190 ito. Nag-improve ang […]