P1.3-T economic stimulus, baseline PCR testing target aprubahan ng Kamara sa 3rd reading ngayong linggo
- Published on June 2, 2020
- by @peoplesbalita
Target ng Kamara na aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ngayong linggo ang ilang panukalang batas na mahalaga para sa laban ng pamahalaan kontra COVID-19 at sa epekto ng krisis na dulot nito sa ekonomiya ng bansa.
Kagabi, inaprubahan na ng mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill 6185, o ang P1.3-trillion proposed Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy (ARISE) -na dati ang tawag ay Philippine Economic Stimulus Act- at House Bill 6865, o ang proposed “Crushing COVID-19 Act.
Balak ngayon ng mga kongresista na i-extend ang kanilang plenary session ng hanggang Huwebes para aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang mga panukalang ito dahil base sa kanilang kalendaryo ay sa Hunyo 3 na ang kanilang sine die adjournment.
Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Sarte Salceda, isa sa mga pangunahing may-akda ng ARISE, ang pondo para sa economic stimulus na ito ay manggagaling sa Department of Finance sa na kukuhanin naman sa Bureau of Treasury, government financial institutions at government-owned corporations pati na rin sa mga bonds.
Sinabi rin ni Salceda na pinahihintulutan din ng panukalang ito ang Presidente na mag-realign sa loob ng anim na buwan ng mga items sa General Appropriations Act (GAA) na hindi maaring galawin upang gamitin naman sa COVID-19 response tulad ng travel at forced savings.
Pinalalawig din ng panukalang batas na ito ang validity ng 2019 at 2020 GAA ng hanggang 2021.
Maging ang kapangyarihang iginagawad ng Bayanihan to Heal as One Act ay pinalalawig din partikular na ang mga probisyon sa testing, wage subsidies, TUPAD program ng DOLE, loan payment extension, ayuda na ibinibigay ng DTI at DA, pagpapaluwag sa credit rules, health protocols para maiwasan ang pagkalat ng sakit, reallocation at realignment ng pondo.
Layon din ng panukalang ito na magtatag ng Economic Stimulus Board at Economic Resilience Plan.
Samantala, ipinaguutos naman ng Crushing COVID-19 Act na magkaroon ng baseline Polymerase Chain Reaction (PCR) testing.
Ito ang magsisilbing protocol para sa COVID-19 testing ng mga napapabilang sa tinatawag na vulnerable sector para ma-contain at control ang pagkalat ng naturang nakakamatay na sakit at mabawasan ang mortality rate nito sa pamamagitan ng early detection at management.
Hangad din nito na mapabagal ang doubling time para sa COVID-19 infections at ma-maximize ang resources ng gobyerno sa pamamagitan nang paggamit ng cost-effective methodology.
Base sa panukala, ang pooled baseline PCR testing ay ang pagkuha ng nasopharyngeal at/o oropharyngeal swabs mula sa vulnerable asymptomatics na naka-grupo sa 10 o limang samples.
Kabilang sa mga sasailalim sa pooled baseline PCR testing ay ang mga pasyente o healthcare workers na may severe o critical at mild symptoms ng COVID-19, pati na rin iyong walang nararanasang sintomas pero may relevant travel history o contact sa nagpositibo.
Subalit iyong mga pasyente o healthcare workers na maituturing high-risk dahil sa kanilang exposure, ay dapat indibidwal na ite-test.
Kasama rin sa pooled baseline testing ang mga non-health frontliners na rumiresponde sa COVID-19 crisis, tulad ng mga nasa temporary treatment at quarantine facilities, quarantine control points, National at Regional Local Risk Reduction and Management Teams, Barangay Health Emergency Response Team, at iba pa.
Kasama rin dito ang mga taong may existing nang sakit, iyong mga taong papasok Pilipinas galing sa ibang bansa at iba pa. (Daris Jose)
-
PANALANGIN NG SANTO PAPA KONTRA DEATH PENALTY, IKINAGAGALAK NG CBCP-ECPPC
IKINAGALAK ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang paglalaan ng Kanyang Kabanalan Francisco ng panalangin sa buwan ng Setyembre para sa pagbuwag ng parusang kamatayan sa buong daigdig. Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico, vice chairman ng komisyon na dahil sa mensahe at panalangin ng Santo Papa ay lalong tumatag ang kanilang paninindigan […]
-
LTFRB: Pinayagan ang nakatayong pasahero sa mga PUVs
NAGLABAS ng isang memorandum circular ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFB) na pinapayagan na magkaroon ng mga nakatayong pasahero sa mga pampublikong transportasyon. Kasama sa pinayagan ang mga pasahero sa mga buses at modern jeepneys. Ayon sa LTFRB ay naaayon ng payagan na magkaroon ng tayuan sa mga pampublikong transportasyon […]
-
Higit P357 milyong pinsala ng El Niño sa agrikultura – DA
UMABOT na sa higit P357.4 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa iba’t ibang rehiyon sa bansa dulot ng El Niño phenomenon. Ito naman ang nabatid mula kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa kung saan pinakamalaking danyos ito na naitala sa Western Visayas partikular sa Iloilo na […]