PDu30, papayagan ang emergency use ng coronavirus vaccines-Sec. Roque
- Published on November 21, 2020
- by @peoplesbalita
PAPAYAGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang emergency use ng coronavirus vaccines at inaprubahan na ang advance payment sa kanilang private developers.
Tinatayang 8 buwan na ngayon simula ng ipatupad ang iba’t ibang degree ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.
Ani Presidential Spokesperson Harry Roque, magpapalabas si Pangulong Duterte ng executive order para sa paggamit ng emergency vaccine.
Ibig sabihin aniya nito na ang coronavirus vaccines na inaprubahan ng ibang bansa ay magagamit ‘locally’ matapos ang 21 araw, pababa mula sa kasalukuyang required na 6-month verification.
Pinayagan din ng Punong Ehekutibo ang advance payment sa private vaccine developers para matiyak na makakakuha ang Pilipinas ng suplay ng droga.
Ang mga lokal na kumpanya ani Sec. Roque ay nag- commit na bibili bg dose- dosenang bakuna.
Magbibigay ang mga ito ng 50 hanggang 80 percent ng kanilang mabibiling bakuna sa pamahalaan sa pamamahagi sa mga mahihirap at sa kanilang company employees. (Daris Jose)
-
Alex Eala sasabak sa unang pagkakataon sa SEA Games
SASABAK na 31st Southeast Asian Games si Filipina tennis sensation Alex Eala. Sinabi ng ama ng 16-anyos na tennis star na si Mike na kabilang ang anak nito sa mahigit na 600 atleta na ipapadala ng bansa sa nasabing torneo sa darating na Mayo sa Hanoi, Vietnam. Naisumite na nito ang […]
-
Digital Sports, ilulunsad ng Milo
Mahirap ang walang ehersisyo o aktibidad ang mga bata ngayong panahon ng pandemic at dahil bawal silang lumabas at magsama-sama para man lang makadalo sa mga sports clinic, nakaisip ng paraan ang Milo Philippines na gawing digital ang sports program nila. Sa pamamagitan ng digital platforms, nakatakdang ipaliwanag ni Lester P. Castillo, Asst. VP […]
-
Mayor Rex nabakunahan na kontra COVID-19
Natanggap na ni Valenzuela City Mayor REX Gatchalian ang kanyang unang dose ng bakuna kontra COVID-19 na ginanap sa People’s Park Amphitheater ng lungsod. Ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng critical o high-risk na lugar kung kaya’t ang mga mayors at mga governors ay classified na sa ilalim ng A1 […]