• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1.65-B supplemental budget laban SA COVID-19

LUSOT na sa House Committee on Appropriations ang P1.65 billion supplemental budget para sa gagawing hakbang sa pagharap sa problema sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

 

Sa pagdinig ng komite, natukoy na P3.1 billion ang kakailanganing pondo ng Department of Health (DOH) para panlaban sa COVID-19.

 

Sinabi ni Health Usec. Roger Tong-an, sa naturang halaga ay P2.35 million ang gagamitin para sa pagbili ng personal protective equipment (PPE), P933 million ang para sa maintenance and other operating expenses (MOOE) at salaries at P139 million para sa bibilhing 40,000 na test kits.

 

Ayon kay Deputy Treasurer Sharon Almanza ng Bureau of Treasury, P1.65 billion ang available funds na mayroon sila sa ngayon.

 

Gayunman, ayon kay Tong-an mayroong iba pang mapag-kukunan ng pondo para sa laban kontra COVID-19
Ang PAGCOR aniya ay nangakong magbigay ng P2 billion habang ang PCSO naman ay P490 million.
Bukod dito ang DOH ay mayroon namang P539 million na savings at P81 million mula sa kanilang quick response funds na maaari ring gamitin.

 

Samantala, ayon naman sa Department of Budget and Management maaari ring kumuha ng pera mula sa contingency funds ng pamahalaan na kasalukuyang mayroong P13 billion. (Daris Jose)

Other News
  • After ng post sa IG story ng anak… Mayor FRANCIS, ipinagdiinang walang relasyon sina AMANDA at DANIEL

    NAGSALITA na ang First Daughter ng San Juan na si Amanda Zamora na patuloy na nali-link kay Daniel Padilla.       Hindi na nga bago ang Star Magic talent sa mata ng publiko dahil napanood na ito sa ‘Pinoy Big Brother Connect’ noong 2021.       At ngayon nga ay muling pinag-uusapan ang […]

  • Testing Czar Sec. Dizon, aminadong napakahirap ma-predict ng new variants ng virus

    “Very unpredictable at napakahirap i-predict ng new variant ng COVID-19”   Ito ang pag-amin ni Testing Czar Sec. Vince Dizon makaraang mabulaga ang bansa sa mabilis na pagdami ng new variant cases ng virus noong nakalipas na ilang buwan na naging dahilan kung bakit kinulang ang itinayo ng gobyerno na 10,000 ICU at hospital beds […]

  • Nagbabalik si Borgy para makipagkulitan: Sen. IMEE, nag-bargain hunting sa Europa gamit ang katutubong bayong

    PATULOY na ibinabahagi ni Senador Imee Marcos ang kanyang European adventure habang dinadala ang kanyang tapat o loyal na ‘Imeenatics’ sa isang natatanging ekspedisyon – istilong Pinoy – sa isa pang kapana-panabik na vlog sa paglalakbay ngayong weekend sa kanyang opisyal na Channel sa YouTube. Ngayong Biyernes, Disyembre 16, namimili si Imee sa mga sikat […]