• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1 B fuel subsidy para sa mga drivers sinimulan na ang pamamahagi

Sinimulan na ng Land Transportation Franchasing and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng P1 Billion na fuel subsidy sa mga drivers ng public utility jeepneys (PUJs).

 

 

 

Inaasahan na matatapos ngayon December ang pamamahagi ng fuel subsidy sa may 136,230 na PUJ drivers.

 

 

 

Ayon kay LTFRB OIC ng legal division Zona Russet Tamayo na ang Land Bank of the Philippines ay nagiimprenta na ng mga cards para sa Pantawid Pasada Program (PPP cards) para sa unang 51,000 na beneficiaries.

 

 

 

Sa ngayon, mayron nang 85,000 na mga jeepney drivers ang nakakuha na ng ayuda mula sa PPP ng pamahalaan. Bawat jeepney driver ay mabibigyan ng P7,200 na cash subsidy.

 

 

 

Noong nakaraang buwan ay sinimulan na ang pamamahagi ng cash assistance sa mga jeepney drivers upang matulungan sila ngayon panahon ng pandemya at ng mabigyan sila ng tulong dahil na rin sa tumataas na presyo ng krudo at iba pang petroleum products.

 

 

 

“Jeepney drivers would continue to receive fuel subsidy even if the prices of petroleum products in the market are decreasing,” wika ni Tamayo.

 

 

 

Kamakailan lamang ay giniit ng isang Senador sa pamahalaan na muling ibalik ang fuel subsidy na dating binibigay sa mga jeepney drivers at operators sa ilalim ng programang Pantawid Pasada ng pamahalaan.

 

 

 

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng diesel, gasoline at iba pang petroleum products kung kayat dapat lamang na ibalik ang fuel subsidy para sa mga jeepney drivers at operators.

 

 

 

Samantala, pinag-aaralan naman ni Department of Energy secretary Alfonso Cusi ang isang paraan upang mabigyan ng proteksyon ang mga consumers laban sa tumataas na presyo ng mga petroleum products at ito ay ang pag suspende ng pagpapataw ng excise tax. LASACMAR

Other News
  • Makinarya ng gobyerno, siniguro na gumagana para sa mga residenteng posibleng maapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon

    SINIGURO ng pamahalaan na gumagana ang makinarya ng gobyerno sa harap ng patuloy na pagbabantay sa aktibidad ng Bulkang Mayon sa Albay gayundin sa Taal at Kanlaon.     Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang, kumikilos ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para tugunan ang anumang  pangangailangan ng […]

  • Durant, Irving, Harden nagsama ng puwersa sa panalo sa playoffs debut

    Mistulang nangapa muna sa first half ang Big Three ng Brooklyn Nets bagong tuluyang itumba sa second half ang Boston Celtics sa first round ng playoffs, 104-93.     Ito ang siyam na beses pa lamang na nagsama sama sa iisang game sa Nets sina Kevin Durant, James Harden at Kyrie Irving.   Nagtapos si […]

  • Lalamove rider kulong sa pagbebenta ng droga sa Navotas

    SA kulungan ang bagsak ng isang lalamove rider matapos makuhanan ng mahgit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong suspek na si Carlo Cagman alyas “Pako”, 32, lalamove rider at residente ng 386 […]