• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1-B fuel subsidy para sa mga PUV drivers at operators, hindi sapat – transport group

Labis na ikinatuwa ng grupo ng mga tsuper ang pagbibigay ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P1 billion na cash grants para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers.

 

 

Gayunman, ayon kay Obet Martin, Pasang Masda president ang P1 billion ay hindi sapat para sa mga drivers at operators.

 

 

Base raw sa kanyang computation kung hahati-hatiin ang P1 billion sa bilang ng mga drivers kasama ang kanilang mga operators ay papalo lamang sa P2,500 ang matatanggap ng bawat isa.

 

 

Kalahati lamang ito sa hirit nilang P5,000 na ayuda para sa mga tsuper ng PUV sa buong kapuluan.

 

 

Dahil dito, suportado ng grupo ang hakbang ng Department of Transportation (DoTr) sa hirit ng mga ito sa Inter Agency Task Force (IATF) na dagdagan ang sitting capacity sa mga PUVs mula sa 50 percent sa 100 percent para makabawi naman daw ang mga drivers sa kanilang kinikita sa araw-araw.

 

 

 

Ayon kay DoTr Assistant Secretary Mark Steven Pastor, ang kanilang hirit ay dahil na rin sa sunod-sunod na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

 

 

Aniya, ayaw daw nilang tumaas ang pamasahe dahil para sa kanila, wala raw kinalaman ang mga commuters sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

 

 

Kaya naman ayaw daw nilang ang mga commuters ang pumasan sa linggo-linggong oil price hike.

 

 

Dahil dito, noong Biyernes ay nagsumite raw ang mga ito sa IATF ng kanilang formal position paper na dagdagan ang sitting capacity mula sa 50 percent sa 100 percent.

 

 

Pero ito ay base naman daw sa tinatawag na medical literature na available sa ngayon lalo na’t niluwagan na ang alert level sa National Capital Region (NCR).

 

 

Nakahanda naman daw nilang dipensahan ang kanilang posisyon sa Huwebes dahil ikinokonsidera rin umano nila hindi lang ang isyu sa public transportation kundi pati ang isyu sa public health. (Gene Adsuara)

Other News
  • Inilagay ni Ronaldo sa panganib ang United legacy pagkatapos ng paputok na tirade

    Lumilitaw na sinunog ni Cristiano Ronaldo ang kanyang mga tulay sa Manchester United matapos maglunsad ng isang nakakatakot na tirada laban sa club at nahaharap sa isang hindi tiyak na hinaharap habang naghahanda siya para sa World Cup.   Sinabi ng superstar ng Portugal sa palabas ni Piers Morgan sa TalkTV na pakiramdam niya ay […]

  • DepEd, umaasa: bilang ng mga enrollees tataas pa hanggang sa buwan ng Nobyembre

    UMAASA pa rin ang Department of Education na tataas pa ang bilang ng mga estudyante na magbabalik -eskwela ngayong taon.   Sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones, batay sa inilabas nilang polisiya, maaari pa ring tumanggap ang mga paaralan ang mga late enrollees hanggang sa buwan ng nobyembre.   Ngayon aniyang unti-unti nang binubuksan ang […]

  • Kai Sotto bigo sa kanyang debut game para sa Adelaide

    Sumalang na si Kai Sotto sa wakas para sa Adelaide ngunit kabiguan ang bumulaga sa Pinoy sensation matapos makalasap ng 67-93 pagkatalo ang 36ers sa Cairns Taipans sa 2021-22 NBL season kahapon sa Cairns Convention Centre.     Maalat ang performance ng 7-foot-3 na si Sotto na nagtala lamang ng 1 point, 3 rebounds, 2 […]