• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1 dagdag pasahe sa jeepney, approve na sa NCR, Reg. 3 at Reg. 4 – LTFRB

INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan ng mga jeepneys drivers na dagdag na pisong taas ng pamasahe.

 

 

Gayunman ang fare hike ay para lamang sa mga jeepneys na bumabiyahe sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa simula sa darating na Huwebes.

 

 

Dahil dito nasa P10 na minimum fare na ang sisingilin mula sa kasalukuyang P9 sa mga nabanggit na lugar.

 

 

Sa desisyon na ibinababa ng Board ng LTFRB, ang provisional P1 fare hike ay para sa unang apat na kilometro, habang wala ng sisingilin na taas sa mga susunod na kilometro.

 

 

Nag-abiso rin naman ang LTFRB sa mga public utility jeepneys sa naturang mga rehiyon na dapat maglagay sila ng “notice of provisional fare increase” sa loob ng mga sasakyan.

 

 

Ang pagsang-ayon ng LTFRB sa taas pasahe ay kasunod na rin ng walang humpay na oil price increase.

 

 

Ang naturang taas sa pasahe ay una nang ibinasura ng Board noong buwan ng Abril pero naghain ng motion for reconsideration ang mga petitioners na transport groups. (Daris Jose)

Other News
  • 1 pang suspect sa Caloocan masaker, sumuko

    SUMUKO sa Caloocan City Police ang isa sa apat na suspek na sangkot sa pagmasaker sa dalawang nursing graduate at nursing student noong Setyembre 27.   Kinilala ni Caloocan City Police chief, Col. Dario Menor ang suspek na si Anselmo Singkol, 37, construction worker at tubong Samar.   Isang retiradong kaanak ang nagkumbinsi kay Anselmo […]

  • Ads March 19, 2022

  • Tricycle driver sinaksak ng nakaaway sa birthday party

    NASA kritikal na kalagayan ang isang tricycle driver matapos saksakin ng kanyang nakaaway sa isang inuman sa birthday party sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.   Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa likod ang biktimang si Mark Joseph De Guzman, 33, ng 10 Nadala, Merville Subd. Brgy. Dampalit.   Pinaghahanap […]