• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P10 BILLION KAILANGANG GAMITIN NG DSWD -MALAKANYANG

SINABI ng Malakanyang na dapat gamitin ng Department of Social Welfare and Development ang natitirang P10 billion sa ilalim ng COVID-19 emergency cash assistance program para tulungan ang mga mahihirap na sambahayan at vulnerable sectors.

 

“Dahil ‘yan po ay naibigay na ng Kongreso, kung pupuwede nga ay ibigay pa ‘yan doon sa mga pamilya na hindi pa nakakatanggap ng second tranche,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

 

Sa ulat, hindi lang mga senador ang nagulat sa report ng DSWD na may P10 bilyon pa itong natitira mula sa pondo para sa Social Amelioration Program (SAP).

 

Sa budget hearing ng Senado, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na nagulat din sya sa ulat ng DSWD kaya pag-uusapan nila ito sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) na binubuo ng economic managers ng administrasyon.

 

Sa hearing, sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na sana ay napakikinabangan ang naka-tenggang pera ng DSWD.

 

Aniya, ang di paggamit ng ganito kalaking halaga ay salungat sa patakaran ng gobyerno na maglabas ng maglabas ng pondo ngayong may pandemya para masindihan ang ekonomiya.

 

Idiniin naman ni Dominguez na ang di nagalaw na P10 bilyon ay bahagi lamang ng bilyun- bilyong halaga ng naipamigay nang ayuda ng gobyerno para sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

 

Tinukoy ng kalihim ang P200 bilyon para sa SAP at P40 bilyon na ayuda na idinaan sa Social Security System (SSS) at Bureau of Internal Revenue (BIR). (Daris Jose)

Other News
  • ‘Vaccine security,’ long term plan para sa mga dumarating na sakit’ – NTF

    Ipinupursige na ng pamahalaan ang paglikha ng katulad ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika, bilang long term project sa paglaban sa mga lumalabas na sakit.     Ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr., sinisikap nilang pagsamahin ang kakayahan ng University of the Philippines […]

  • STEPHEN CURRY, JOEL EMBIID TINANGALAN NA NBA PLAYERS OF THE WEEK

    Hinirang sina Golden State Warriors guard Stephen Curry at Philadelphia 76ers center Joel Embiid bilang NBA Players of the Week para sa Linggo 4.   STEPHEN CURRY, GOLDEN STATE WARRIORS Ang dalawang beses na NBA MVP ay isa sa pinakamahusay na pagsisimula sa kanyang karera sa NBA. Pinangunahan niya ang Warriors sa 2-1 record noong […]

  • LTFRB: P860 M incentives na ang naibibigay sa mga drivers ng PUVs

    May P860 million ng halaga ang naibibigay at naipamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility drivers (PUVs) sa buong bansa.     Ang programa ay sa ilalim ng service contracting ng pamahalaan kung saan binibigyan ang mga PUVs drivers ng mga incentives ayon sa kanilang nalalakbay na kilometro.   […]