• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P10-K special risk allowance para sa private healthcare workers, pasok na sa Bayanihan 2

Pasok na sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act  (Bayanihan 2) ang tax-free P10,000 special risk allowance sa mga private health workers.

 

Ito ay matapos na magkasundo ang mga miyembro ng bicameral conference committee na pagtibayin ang naturang probisyon na nakapaloob sa bersyon ng Kamara ng Bayanihan 2.

 

Kabuuang P10.5 billion ang inilalaang pondo para sa iba’t ibang compensations sa mga medical frontliners, kabilang na ang special risk allowance hindi lamang sa mga public healthcare workers (HCWs) kundi maging sa mga private HCWs na gumagamot sa mga COVID-19 patients.

 

Mababatid na sa Bayanihan to Heal as One Act, na napaso noon pang Hunyo, tanging ang mga public HCWs lamang ang nabibigyan ng benepisyo at hindi iyong mga nagtatrabaho sa mga pribadong ospital.

 

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na walang katumbas na halaga ng pera ang sakripisyo at serbisyo ng mga health workers lalo na ngayong may COVID-19 pandemic.

 

Umaasa ang lider ng Kamara na makakatulong ang subsidiya na nakatakdang ibigay ng pamahalaan para mabawasan man lang ang inisiip ng mga HCWs sa linya ng kanilang trabaho.

 

Bukod sa risk allowance, pinagtibay din ng bicameral conference committee ang probisyon na magbibigay ng P100,000 na compensation para sa mga public at private HCWs na may severe COVID-19 infection.

Other News
  • Women’s football team ng bansa tinambakan muli ang Tonga 5-0

    MULING tinalo ng Philippine women’s football team ang Tonga 5-0 sa ginanap na international friendly nitong Sabado, Abril 30 sa Valentine Sports Park sa Sydney, Australia.     Ang nasabing laro ay bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Namuno sa laro sina Anicka Castaneda, Eva […]

  • CONDOTEL para sa mga seamen ipapatatayo sa NCR – DOTr

    Nagkaisa ngayon ang Department of Transportation (DOTr), Marino Partylist at Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP) na magtayo ng CONDOTEL para sa mga seafarers.     Ang pagsasama ng grupo ay isinabay sa pagpirma sa Memorandum of Understanding (MOU) kaugnay sa 47th Anniversary ng MARINA.     Ang pagpapatayo ng CONDOTEL […]

  • Sec. Roque, walang ideya kung mag-State Visit ang Pangulo sa ilalim ng liderato ni US President-elect Joe Biden

    WALANG ideya si Presidential spokesperson Harry Roque kung may plano si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bisitahin ang Estados Unidos sa ilalim ng liderato ni President-elect (Joe) Biden bago matapos ang termino nito sa 2022.   “Wala po akong nalalaman ‘no at siyempre po iyan naman po ay sang-ayon din sa magiging imbitasyon nitong si […]