FIBA pinayuhan ang Indonesia na dapat makakuha ng slot sa 2023 FIBA World Cup
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
Pinayuhan ng FIBA ang Indonesia na kailangan nilang makakuha ng slot sa 2023 FIBA World Cup.
Ito ay dahil isa ang nasabing bansa na magiging host 2023 FIBA World Cup kasama ang Japan at Pilipinas.
Ayon sa FIBA Executive Committee, dapat makapasok sa top eight ang Indonesia sa 2021 FIBA Asia Cup para sa makapasok sa quadrennial meet.
Kapag nakapasok sa top 8 ang Indonesia sa FIBA Asia Cup 2021 ay mababawasan ng isa ang FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers.
Sakaling mabigo naman ang Indonesia sa top eight, magpapatupad ang FIBA ng general rules para sa qualification sa FIBA World Cup 2023.
Noong Pebrero sana ang 2021 FIBA Asia Cup subalit ito ay sinuspendi dahil sa coronavirus pandemic.
Kapwa kasi nakakuha na ng direct qualification ang Japan at Pilipinas na naglaro noong 2019 FIBA World Cup.
Magiging host ang Pilipinas sa final phase ng 2023 FIBA World Cup habang ang mga laro mula sa group phase ay gaganapin sa Japan at Indonesia.
-
DFA, hindi pinaniniwalaan ang paliwanag ng China sa paggamit nila ng laser sa Philippine Coast Guard
WALA umanong rason para maniwala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa paliwanag ng China na para sa “navigation safety” ang ginawang paggamit ng kanilang coast guard ng laser na itinutok sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG). Ang naturang barko ay nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal. Ayon kay […]
-
Winner ang experience niya sa ‘BIFF’: ROCCO, pinuri ang Barong Tagalog ng Korean Oppas na naka-bonding sa event
HINDI man nanalo ang pelikula nilang Motherland, winner pa rin ang experience ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa pagdalo niya sa Busan International Film Festival. Proud na ipinakita ng aktor ang kaniyang Barong Tagalog na pinuri ng mga Korean Oppa na naka-bonding sa event. Nagpunta kamakailan si Rocco sa South Korea […]
-
28 PWDs BINIYAYAAN NG HEARING AID SA VALENZUELA
PINAGKALOOBAN ng Public Employment Service Office (PESO) at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Valenzuela City ang 28 Persons with Disabilities (PWDs) ng hearing aid sa Valenzuela City Hall. Sa pakikipagtulungan ng Humanity & Inclusion (HI), ang mga benepisyaryong hirap makarinig ay sumailalim muna sa serye ng ng pagsusuri sa Hear Sound Health […]