P10 provisional minimum fare sa jeepney pinayagan ng LTFRB
- Published on June 10, 2022
- by @peoplesbalita
Inaprobahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga transport groups na magkaron ng P10 provisional minimum fare sa mga public utility jeepney (PUJs).
Ang minimum na P10 fare ay ipapatupad sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa. Samantalang, ang ibang rehiyon sa bansa ay mananatiling P9 pa rin.
Sa desisyon na binaba ng LTFRB pagkatapos ng naganap na deliberasyon, kanilang pinawalang bisa ang dating order na hindi pinapayagan na magtaas ng P10 sa minimum na pamasahe.
“The board hereby, resolved to consider, lift and set aside the order dated March 21, 2022 and grants the prayer for P1 provisional fare increase. The decision takes effect on June 9,” wika ng LTFRB.
Noong nakaraang March, ang grupo ng Pasang Masda, 1-UTAK, Altodap LTOP at ACTO ay naghain ng petisyon sa LTFRB upang humingi ng provisional na pagtataas ng P1. At noong March din ay nagdesisyon ang LTFRB na hindi pinayagan ang kanilang petisyon na itaas ang minimum fare ng P10.
Sa ilalim ng bagong order at desisyon, sinabi ng LTFRB na ang mga PUJ services ay maaari ng mag impose ng P10 minimum fare para sa unang apat (4) na kilometro subalit walang increase ang mangyayari para sa susunod na kilometro.
Inutusan rin ng LTFRB ang mga operators at drivers na pumapasada sa mga nasabing rehiyon na magpaskil ng notice ng provisional fare kung saan makikita ng mga pasahero ang notice sa mga PUJs.
Pinaalalahanan din ang mga operators at drivers na magbigay ng mga discounts sa PWDs, seniors at estudyante at iba pang eligible na Filipinos upon presentation ng kanilang valid IDs.
“In the imposition of the provisional fare, the franchise grantee shall comply with the terms and conditions of the certificate of convenience, the public service at and all issuance of the board,” saad ng LTFRB.
Ang desisyon ay ginawa ng LTFRB sa gitna ng threat ng mga drivers at operators ng PUJs na sila ay hihinto sa kanilang operasyon at hahanap na lang ng ibang paraan ng kanilang kabuhayan.
Binigay din ang go-signal sa pagtataas ng minimum fare upang bigyan ng reprieve ang mga drivers at operators kung saan sila ay humihingi sa nakalipas na apat na buwan na dahil sa tumataas na presyo ng krudo.
Noong nakaraang Wednesay ay tumataas na naman ang presyo ng produktong petrolyo – P2.70 kada litro ng gasoline,P6.55 sa diesel at P5.45 sa kerosene. Habang ang net increase ay naitalaga sa P23.85 kada litro sa gasoline, P30.30 sa diesel at P27.65 sa kerosene simula pa nitong taon.
Ayon naman kay LTFRB executive director Cassion na kanilang isasailalim ang main petitions sa hearing ng mga PUJ drivers para sa P5 minimum fare ngayon buwan.
Sinabi naman ni Fejodap president Ricardo Rebano na ang tanging solusyon sa tumataas ng presyo ng petrolyo ay ang magkaron ng pansamantalang suspension ng excise tax sa fuel.
Subalit hindi naman sangayon si incoming DOF secretary Benjamin Diokno kung saan niya sinabi na mas maganda pa rin ang pagbibigay ng cash assistance sa sektor ng transportasyon. LASACMAR
-
Pilipinas, pangatlo pa lang sa nakapag-uwi ng korona… ALEXANDRA MAE, first Pinay na waging ‘Miss Supermodel Worldwide’
SA unang pagkakataon ay nagwagi ang Pilipinas sa Miss Supermodel Worldwide 2022 na ginanap sa India noong nakaraang October 15. Si Alexandra Mae Rosales ang naging representative ng Pilipinas at kauna-unahang Filipina na manalo sa naturang pageant. Ang kanyang mga runners-up ay sina Kaylee Roxanne Porteges Zwart of Netherlands (1st runner-up); Nova Retalista of […]
-
BTS sa Kongreso
Nagsanib puwersa sina dating Speaker Alan Peter Cayetano at anim na kaalyadong mambabatas nito para magbuo ng grupo o bloc sa kamara na tinawag nilang “BTS sa Kongreso,” base sa isang sikat na South Korean boyband. Isang media event ang ginanap kahapon January 14, Huwebes sa Quezon City para sa paglulunsad ng naturang grupo […]
-
CRUNCHYROLL ANNOUNCES GLOBAL THEATRICAL RELEASE DATES FOR “DRAGON BALL SUPER: SUPER HERO”
Culver City, CA (June 14, 2022) – Crunchyroll and Toei Animation unveiled additional details for the global theatrical release of Dragon Ball Super: SUPER HERO, the newest film in the worldwide anime blockbuster franchise, including a new trailer, and new English voice cast. [Watch the new English-subtitled trailer at https://youtu.be/aJJ1k3kFU8U] The […]