• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P105.6B inilaan ng DBM para sa state universities, colleges para sa libreng edukasyon

NAGLAAN ang  Department of Budget and Management (DBM) ng P105.6 bilyong piso para sa  state universities and colleges (SUCs) sa ilalim ng panukalang P5.768-trillion National Expenditure Program para sa taong 2024.

 

 

Sinabi ng DBM na ang alokasyon ay susuporta sa free tertiary education sa SUCs at maging para tugunan ang nawalang pag-aaral dahil sa  COVID-19 pandemic.

 

 

Sa kanyang Budget Message, binigyang diin ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng access sa  free tertiary education para sa mga Filipino lalo pa’t karamihan na sa mga educational institutions ay nagsasagawa na ng  full face-to-face classes.

 

 

“With 99.5% of our public schools now implementing five-day in-person classes, this amount will fund significant investments in the education of over 28 million learners nationwide,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Echoing the pronouncement of our President, alongside the strengthening of our economy, we will also invest heavily in human capital development through education, health, and social protection,” ayon naman kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.

 

 

Sa kabuuang alokasyon,  sinabi ng  DBM,  P21.7 bilyong piso ang ilalaan sa  116 SUCs sa ilalim ng  Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) program —na garantiya para sa free tertiary education sa 3,145,098 mag-aaral sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

“Access to quality education will also be at the forefront of the government’s education agenda through the Universal Access to Quality Tertiary Education,”  ayon sa Kalihim.

 

 

Winika pa ng departamento na ang panukalang UAQTE budget para sa  SUCs ay itinaas ng halos P3 bilyong piso o 14.32% mas mataas kumpara sa P18.8 bilyong pisong budget mula sa Fiscal Year 2023’s NEP.

 

 

Bukod dito, naglaan din ng P26 bilyong piso sa ilalim ng  UAQTE budget para suportahan ang mga programa  ng Commission on Higher Education (CHED) at maging  panibagong P3.4 bilyong piso para sa Free Technical-Vocational Education and Training ng 38,179 enrollees at 10,126 graduates ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

 

 

Sinabi ng DBM na makatatanggap din ang  SUCs ng P3.4 bilyong piso para sa kanilang infrastructure projects.

 

 

“Improving education facilities is essential for creating a conducive learning environment for all learners, including those in remote and hard-to-reach areas,” ayon sa Pangulo sa kanyang  Budget Message.

 

 

“A well-equipped and well-designed classroom can foster a positive atmosphere for learning,” ayon sa Pangulo sabay iginiit na “all projects will be implemented in all corners of the country, including the underserved areas.”

 

 

Samantala, sinabi pa ng DBM na ipinagkaloob ang kabuuang  P924.7 bilyong piso para sa education sector, katumbas ng   16% sa panukalang P5.768 trillion 2024 budget plan (Daris Jose)

Other News
  • Kasama ang anim na hot and sexy stars ng Vivamax: SID, umaming isa sa pinakamahirap na ginawa ang orgy scene sa ‘Virgin Forest’

    NAPASABAK na naman ang versatile at award-winning actor na si Sid Lucero sa new version ng classic sex-drama Filipino film ni Peque Gallaga noong 1985, ang Virgin Forest.     Sa trailer ng newest offering ng Viva Films at Center Stage Productions na may parehong titulo, isa nga sa mga pasabog na eksena ay ang […]

  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, nagsagawa ng cleaning operation sa mga daluyan ng tubig

    LUNGSOD NG MALOLOS- Humigit kumulang 150 sako ng mga lumulutang na basura ang nakolekta sa ginanap na maliitang cleaning operation sa mga daluyan ng tubig sa ilalim ng tulay sa Brgy. Tawiran, Obando, Bulacan noong Biyernes, Enero 21, 2022.     Nilinis ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ng Bulacan Environment and Natural Resources […]

  • Mixed emotions ang naramdaman nang mag-taping na: MARIAN, biniro pa ni GABBY kung sigurado na sa kanilang pagtatambal

    NGAYONG Friday, July 14, ang simula ng 5th anniversary presentation ng “Amazing Earth PH” na magpapasimula ng GMA Best WKND Ever.       Simula kasi iyon ng pagbabago ng schedules tuwing weekend ng mga GMA shows.  Mapapanood muna si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, sa mystery action series na “Royal Blood,” at pagkatapos mapapanood na siya […]