• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P11.5 bilyong One COVID-19 allowance, inilabas ng DBM

INAPRUBAHAN  ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P11.5 bilyon para sa One COVID-19 Allowance/Health Emergency Allowance (HEA) claims ng mahigit sa 1.6 milyong kwalipikadong public at private health care at non-health care workers (HCWs).

 

 

Sakop ng Special Allotment Release Order (SARO) ang hindi napondohang OCA/HEA claims ng mga health care at non-health care workers para sa Enero hanggang Hunyo 2022.

 

 

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na nararapat lamang na suportahan at tulungan ng pamahalaan ang mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan dahil inilalagay nila sa panganib ang kanilang buhay sa gitna pa rin ng umiiral na pandemya.

 

 

Una nang inilabas ng DBM nitong Oktubre 3 ang P1.04 bilyon na nakalaan para sa pagbabayad sa nalalabing 55,211 na hindi nababayarang Special Risk Allowance (SRA) ng mga kuwalipikadong HCW at non-HCWs mula Setyembre 2020 hanggang Hunyo 2021.

 

 

Kaugnay nito, inuumpisahan nang iproseso ng Department of Health (DOH) ang pamamahagi ng P1.04 bilyon at P11.5 bilyong inilabas ng DBM para sa benepisyo ng mga healthcare workers.

 

 

Inihahanda na ang DOH ang mga panuntunan para sa “sub-allotment” at ipinaalam na sa mga “regional counterparts” sa Centers for Health Development (CHDs) na maghanda na ng mga kaukulang dokumento para mapabilis ang disubursement ng mga pondo.

 

 

Sa kabila nito, nangangailangan pa rin ang DOH ng dagdag na pondo para mabigyan ng alokasyon ang mga serbisyo na naisagawa ng mga HCWs mula ­Hulyo 2021 hanggang sa kasalukuyan.

 

 

Base ito sa Republic Act No. 11712  o ang “Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act”. (Daris Jose)

Other News
  • Paras puwede na sa PBA – Herrera

    PARA kay AMA Online Education Titans coach Mark Herrera, handa na para sa Philippine Basketball Association (PBA) ang anak ni basketball legend Venancio ‘Benjie’  Paras Jr. na si Andre Nicholas Paras.     Nagsumite ng aplikasyon nitong Disyembre 21 ang nakababatang Paras para sa 36th PBA Rookie Draft 2021 na gaganapin sa darating na Marso […]

  • Dasal ni ONYOK na ‘wag sanang mapako ang mga pinangakong incentives kay HIDILYN

    KABILANG ang 1996 Atlanta Olympic silver medalist na si Onyok Velasco na natuwa sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng kauna-unahang Olympic gold medal para sa Pilipinas.     Dasal ni Onyok na huwag sanang mapako ang mga pinangako na incentives kay Diaz tulad sa nangyari sa kanya noong 1996.     “Yung kay Hidilyn, sana […]

  • Sa gitna ng babala ng China: PBBM, pinanindigan ang mga bagong EDCA sites

    PINANINDIGAN at kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papayagan ang Estados Unidos na mag-station ng tropa nito at mga kagamitan sa apat pang bagong sites sa iba’t ibang panig ng bansa.     Ito’y sa gitna ng naging babala ng China na ang payagan ang mas marami pang sites sa ilalim ng PH-US Enhanced […]