• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P11B HALAGA NG ILLEGAL NA DROGA, SINIRA NG NBI

SINIRA ng gobyerno ang P11 bilyong halaga ng illegal na droga na nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Marso 15, 2022 sa Infanta, Quezon.

 

 

Sinabi ni NBI Director Eric B.Distor na sa memorandum na isinumite ng NBI Forensic Chemistry Division (NBI-FCD), ang P11 bilyong kaso ay isa sa mga ebidensyang kasama sa pagsira sa mga mapanganib na droga na iniutos ng Regional Trial Court.

 

 

Sinabi rin ni Distor na ang pagsira ng ilegal na droga at sa imbitasyon ng PDEA, anim (6) na tauhan ng NBI-Forensic Chemistry ang dumalo at nasaksihan ang pagsira ng mga nasabat na illegal drugs  sa pamamagitan ng utos ng korte sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Trece Martirez, Cavite.

 

 

Binigyang-diin ni Distor  na sa pagsira sa nasabing mga droga, lumahok ang mga NBI Chemists sa paglalagay ng mga delikadong droga sa loob ng pyrolysis machine habang ang ibang tauhan ng NBI-FCD ay pinayagang kumuha ng litrato at pangasiwaan ang pagsira.

 

 

Ang NBI Chemist in charge  ay nagsagawa ng imbentaryo at nagtala ng 80 selyadong itim na megabox na tinutumbas na bilang ng mga ebidensya na itinurn-over sa PDEA.

 

 

Matatandaang noong Marso 15, 2022, ang mga operatiba ng NBI- Task Force Against Illegal Drugs (TFAID), NBI-Research and Analysis Division (RAD) at Lucena District Office (LUCDO), sa pakikipag-ugnayan sa PNP Infanta, Quezon at PDEA Lucena ay nagsagawa ng interdiction operation sa Barangay Comon, Infanta Quezon na nagresulta sa pagsamsam ng P11 bilyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu.

 

 

Ang operasyon ay nagresulta rin sa pagkakaaresto sa sampung (10) mga salarin habang nasa akto ang pagbibiyahe ng mga hinihinalang iligal na droga sakay ng tatlong (3) commuter van.

 

 

Ang nasabing operasyon ay itinuturing na pinakamalaking nasabat na  droga at hindi pa nagagawa sa kasaysayan ng Pilipinas hanggang sa kasalukuyan.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • WANTED SA MURDER CALOOCAN, TIKLO NG NPD SA MALABON

    NASAKOTE ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Malabon City ang isang lalaking wanted dahil sa kasong murder sa Caloocan City.     Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU-NPD) chief PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Randy Deparoco, 44 ng Camia St., Brgy. Panghulo, Malabon City.     Sa report […]

  • Manila RTC Judge Jaime Santiago, bagong NBI director

    ITINALAGA  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired Judge Jaime Santiago bilang director ng National Bureau of Investigation (NBI).       Si Santiago ay nanumpa na sa kanyang puwesto kay Executive Secretary Lucas Bersamin kahapon ng umaga.       Nagsilbi si Santiago sa Western Police District (WPD) mula 1979 hanggang 2000. Nagtapos din […]

  • TIANGCO BROTHERS NANGUNA SA WORK PERFORMANCE POLL

    NASUNGKIT nina Navotas Representative Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang una at ikalawang puwesto sa survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa unang taon na pagganap ng mga mayor at mga kinatawan ng Metro Manila.     Si Cong. Tiangco ay nangunguna sa Boses ng Bayan poll para sa Top Performing […]