• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P14.1B ginastos ng gobyerno sa PPEs, med equipment vs. COVID-1

Gumastos ang pamahalaan ng P14.1 billion para sa pagbili ng protective gear, test kits, at medical equipment bilang bahagi ng pagsisikap ng bansa para mapigilan ang COVID-19. Sa halagang ito, P12.1 billion ang napunta sa pagbili ng 6,062,019 personal protective equipment (PPE) sets habang ang P1.6 billion ay ginamit naman sa pagbili ng 9 na iba’t ibang klase ng PCR test kits. Ito ang nakasaad sa weekly report ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso.

 

Ibinahagi rin ng Pangulo na ang 10 units ng automated nucleic acid extraction machines ay binili sa halagang P400 million.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte na may kabuuang 1,458,000 PPE sets o 23.79% ang idineliber sa bansa.

 

Ang karagdagang 65,330 PPE sets ay binili rin gamit ang pondo mula sa dating procurement.

 

Inaasahan naman ng Pangulo na ang delivery ng test kits ay makukumpleto sa susunod na buwan.

 

Iniulat din ng Chief Executive na ang Department of Science and Technology (DOST) ay nagsimula na ng mass production ng reusable face masks na 10,000 masks kada linggo na may layunin na dagdagan ang 50,000 masks kada linggo sa katapusan ng Hunyo.

 

Ang proyekto ay naglalayong mag- produce ng 500,000 face masks, ang kalahati nito ay ido- donate sa mga frontline government workers habang ang natitira naman ay iko-contribute sa inventory ng masks ng pamahalaan.

 

Sinabi ng Philippine Textile Research Institute ng DoSt na nitong Marso ay ang re-wearable face masks ay ia-aplay sa textile water-repellent finishing technology na dinevelop ng PTRI para sa karagdagang proteksyon laban sa viruses at bakterya na kadalasang kumakalat sa pamamagitan ng water droplets. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Maraming na-touch na netizens sa kanyang mensahe: BB, nakiramay kay CARMINA at inalala ang mga kabutihan ng yumaong ama

    SA latest Instagram post ni Carmina Villarroel na kung saan nagpalipad sila ng mga baloons para sa yumaong ama na si Regy Villarroel pagkalipas ng higit isang linggo.     Sa naturang post ni Mina, nakiramay si BB Gandanghari sa pamamagitan ng nakata-touch na mensahe sa dating asawa.     Ayon kay BB na kilala […]

  • 5 arestado sa shabu sa Caloocan

    Limang katao kabilang ang tatlong bebot ang arestado matapos makuhanan ng illegal na droga ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.     Sa ulat, dakong 10:15 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality Oplan Galugad ang mga pulis sa kahabaan ng P. Burgos St. Brgy. 15 nang mapansin nila […]

  • Pelicans star Williamson napiling isa sa cover ng NBA 2K21

    Napili bilang cover ng NBA 2K21 si New Orleans Pelicans star Zion Williamson.   Ang nasabing anunsiyo ng ay isang araw matapos na unang napiling maging cover si Portland Trail Blazers guard Damian Lillard.   Sa mga susunod na araw ay iaanunsiyo ng NBA kung sino ang pangatlong player na magiging cover ng nasabing NBA […]