P144-B revenue sa POGOs makakatulong sa COVID-19 response, economic recovery – Salceda
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
Aabot ng hanggang mahigit P144 billion ang kikitain ng pamahalaan mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) matapos na aprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas para sa tax regime ng naturang industriya.
Sa pagtataya ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda, P15.73 billion ang kikitain ng pamahalaan sa unang taon nang implementasyon ng naturang batas at P144.54 billion naman sa susunod na limang taon.
Ang halagang ito ay maaring gamitin aniya para sa COVID-19 relief at economic recovery ng Pilipinas.
Dahil sa bagong batas na ito, nakikita ni Salceda na babangon ang POGO industry sapagkat mas stable na sa ngayon ang tax regime para sa kanila.
Nabatid na bumagsak ang POGO industry ng 50 percent sa mga nakalipas na taon dahil sa COVID-19 pandemic at temporary restraining order na inilabas ng Korte Suprema.
Gayunman, sa ngayon, binigyan diin ni Salceda na malayang makapag-operate ang POGOs sa bansa hangga’t nagbabawad ang mga ito ng wastong buwis sa pamahalaan.
Sa ilalim ng Fiscal Regime for POGOs, sisingilin ng 5 percent na buwis ang gross gaming revenues ng mga POGOs.
Itinakda naman sa 25 percent ang kokolektahin mula sa gross annual income ng mga alien employees.
Magkakaroon ng mahigpit na koordinasyon ang Bureau of Immigration, Bureau of Internal Revenie, PAGCOR at iba pang ahensya para matiyak na nasusunod ng wasto ang bagong batas na ito.
-
Security guard patay sa sunog sa Valenzuela
ISANG security guard ang namatay habang malubha naman ang lagay ng kasama nito matapos sumiklab ang sunog sa isang factory at warehouse sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Ang katawan ni Joselito Pelic ay nakuha mula sa natupok na factory ng Gilvan Packaging Corporation habang ang kanyang kasama na kinilalang si Nestor […]
-
Master list ng A4 group sa bakuna pinasusumite
Dahil inaasahang darating na sa mga susunod na buwan ang mga bakuna kontra Covid-19 kaya pinagsusumite na ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa Local Go-vernment units (LGUs) ang master list para sa Priority Group A4. Kabilang sa A4 group ang mga sektor sa industriya ng transportasyon, market, manufacturing, government services, hotels, education, media at […]
-
PBBM, nilagdaan ang batas para sa paghihiwalay sa school extensions
NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang ilang batas na maghihiwalay sa sa iba’t ibang school extensions at i-convert ang mga ito sa independent institutions. Sa ilalim ng Republic Act No. 12057, ang Paulino Dari National High School (PDNHS) – Balong-balong Extension sa Pitogo, Zamboanga Del Sur ay ihihiwalay mula sa PDNHS at itatatag […]