P150 milyong COVID-19 test kits nasamsam, Chinese national huli
- Published on January 25, 2022
- by @peoplesbalita
NAKUMPISKA ang tinatayang 150 milyong halaga ng mga pekeng COVID-19 antigen test kits, LianHua Chinese medicines, counterfeit face masks, at copyright-infringed branded goods sa isang bodega sa Maynila na pag-aari ng isang Chinese national matapos ang isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa pangunguna ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan.
Ang operasyon ay kasunod ng pagpapatupad ng grupo na binubuo ng mga miyembro ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU), at Philippine Coast Guard (PCG), ng Letter of Authority (LOA) with Mission Order na inisyu at nilagdaan ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.
Ayon kay CIIS-MICP chief Alvin Enciso, bago ang implementasyon ng LOA ay nakipag-koordinasyon muna sila sa mga lokal na barangay at Philippine National Police (PNP).
Pagdating sa storage facility na matatagpuan sa 555 Carlos Palanca, San Miguel, Manila City, ipinaliwanag ng grupo ang probisyon at layunin ng LOA sa building administrator.
Sa pag-iinspeksiyon ng grupo, natuklasan na ang bodega ay naglalaman ng ?150 milyong halaga ng libu-libong Clungene COVID-19 antigen test kits, counterfeit LianHua Chinese herbal medicines, at mga pekeng 3M N95 face masks.
Nakadiskubre rin ang grupo ng intellectual property rights (IPR) ang mga infringed goods gaya ng mga branded apparel at bags, wallets, phone accessories, at iba pa. Naaresto rin ang may-ari ng bodega na isang Chinese national na hindi pa pinangalanan.
Pinuri naman ni Customs Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro ang matagumpay na operasyon ng mga tauhan laban sa illegal smuggling. (Gene Adsuara)
-
Speaker Romualdez, binalaan ang mga nagmamanipula sa presyo ng sibuyas at bawang sa merkado
“YOUR days are numbered.” Ito ang babala ni House Speaker Martin Romualdez sa mga nagmamanipula ng presyo ng sibuyas at bawang para tumaas ang bentahan sa merkado na kagagawan ng mga unscrupulous traders and hoarders. Sinabi ni Speaker na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa mga nasabing indibidwal na nasa likod […]
-
Omicron XE makakapasok sa Pinas sa Mayo
NAGBABALA ang grupo ng mga doktor na posibleng makapasok na at maramdaman sa bansa ang Omicron XE sub-variant sa Mayo kung magpapatuloy ang mababang bilang ng nagpapa-booster shot kontra COVID-19. Sinabi ni Philippine College of Physicians (PCP) president Dr. Maricar Limpin na bumababa na ang immunity ng mga taong nakakumpleto ng dalawang doses […]
-
Navotas City Hall Child-Minding room, binuksan
BINUKSAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang child-minding room sa unang palapag ng city hall para masuportahan ang mga nagtatrabahong kawani at mamamayan ng lungsod na mayroong mga anak na walang mapag-iwanan. Pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, kasama sina Congressman John Rey Tiangco at iba pang opisyal ng lungsod at barangay, ang pagbabasbas […]