• June 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas City Hall Child-Minding room, binuksan

BINUKSAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang child-minding room sa unang palapag ng city hall para masuportahan ang mga nagtatrabahong kawani at mamamayan ng lungsod na mayroong mga anak na walang mapag-iwanan.

 

Pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, kasama sina Congressman John Rey Tiangco at iba pang opisyal ng lungsod at barangay, ang pagbabasbas at ribbon-cutting ng Navotas City Hall Child-Minding Room. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mayor Tiangco na isa sa mga pangunahing alalahanin ng magulang na nagtatrabaho at walang mapag-iwanan ng kanilang mga anak ay ang pagkakaroon ng maayos at ligtas na lugar para sa kanilang mga anak.

 

“Sa pamamagitan ng paglalagay ng child-minding room sa city hall, maaari nang magtrabaho ang ating mga kawani at mag-asikaso ng papeles at iba pang concerns ang ating mamamayan nang hindi nag-aalala sa kanilang mga anak,” pahayag pa ni Mayor Tiangco.

 

Nagpasalamat naman ang mga magulang sa kanilang butihing alkalde dahil sa ipinatayong child-minding room ay payapa ang kanilang loob at makapagpukos sila sa kanilang mga trabaho dahil nasa maayos at ligtas ang kanilang mga anak. (Richard Mesa)

Other News
  • Henry Cavill, Wants To Play The Villain Instead Of James Bond

    HENRY Cavill is interested in playing a James Bond villain.     The fifth and final entry in the Daniel Craig era of James Bond films, No Time To Die, is set to open in international markets this weekend and in the United States on October 8, 2021.     After that, the future of James Bond remains […]

  • MPBL magiging pro league sa 2021?

    Maliban sa Philippine Basketball Association (PBA) ay magkakaroon pa ng isang professional basketball league sa bansa.   Ito ay sandaling magsumite ng aplikasyon ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ni Sen. Manny Pacquiao sa Games and Amusements Board (GAB) sa susunod na taon.   “Baka sakali magkaroon tayo ng professional basketball league pa na mga […]

  • Vaccine simulation: ‘So far, so good’ – DOH

    Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) sa kinalabasan ng simulation exercise ng COVID-19 vaccines noong February 9 mula sa paliparan patungong cold storage facility at vaccination sites.     “Generally it went well. So far, so good sabi nga ni Sec. (Francisco) Duque,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.     Batay sa assessment ng […]