P16-B fund para sa ‘Barangay Development Program’ kinuwestyon ng ilang mambabatas
- Published on September 14, 2020
- by @peoplesbalita
Kumunot ang noo ng ilang mambabatas dahil sa pondong inilaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflct (NTF-ELCAC) na aabot sa P16 billion sa ilalim ng 2021 national budget.
Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago, posible raw na hindi gamitin sa tama ang multibillion-peso budget para sa barangay development program.
Sa ilalim kasi ng “Support to the Barangay Development Program” ang anomang barangay na magiging “NPA Free” ay gagawaran ng P20 milyong reward.
Maituturing din aniya na “porl barrel” ang katangian ng nasabing pondo dahil hindi ito naka-itemized.
Dagdag pa ni Elago dahil umano simula na ng national elections sa 2021 ay maaaring ituring na “election war chest” ang proyektong ito. Tila sinasamantala raw kasi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang coronavirus pandemic para hawakan sa leeg ang mga barangay upang magkaroon ng dagdag pondo.
Paliwanag ni DILG Sec. Eduardo Año, hindi hawak ng DILG ang P16 billion pesos na pondo bagkus ay nasa ilalim ito ng pangangasiwa ng local government support fund (LGSF).
Malayo rin aniya ang koneksyon nito sa eleksyon dahil 822 barangays lamang ang kasama sa proyekto kumpara sa halos 42,000 na mga barangay sa buong bansa.
“Itong mga barangay na ito ay hindi mga vote reached barangays, ito ay mga isolated na barangays. Malayo itong ikonekta sa eleksyon at ito ay para talaga mai-angat ang iba nating kababayan na naghihirap sa loob ng matagal na panahon,” ani Año.
“Nagsimula rin ito sa barangay, sa local government units (LGUs), kasama ang iba’t ibang ahensya. Mayroon tayong tinatawag na community support program kung saan nagpupunta yung mga LGUs mula sa iba’t ibang barangay,”
“Dito nalalaman ‘yung mga barangay na nangangailangan ng tulong, at kung makikita rin natin dito ‘yung pinaka-maraming presensya ng New People’s Army (NPA) kung saan nae-exploit ‘yung mga isyus,” saad pa ng kalihim.
-
Babala sa mga supermarkets: “You’re next”
BINALAAN ni House QuintaComm CoChair Joey Sarte Salceda (Albay) ang mga supermarkets at malalaking retailers ng bigas na sisilipin din ng five-committee House panel on cheaper food prices ang posibilidad ng price manipulation at profiteering sa malalaking big retailer level. “I am warning supermarkets and big groceries. We have received reports that […]
-
Ads September 20, 2024
-
PBBM, ipinag-utos sa DOJ na ipagpatuloy ang pagpapalaya sa mga bilanggo na kuwalipikado sa parole
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) na ipagpatuloy lamang ang pagpapalaya ng mga bilanggo o persons deprived of liberty (PDLs), na kuwalipikado sa parole. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang nasabing kautusan ay ginawa ng Pangulo sa Cabinet meeting sa Malakanyang, araw ng Martes. Sa […]