• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P18K SRI sa halip na P20K ang maibibigay lang ng DepEd

SINABI ng  Department of Education (DepEd) na P18k lamang sa halip na P20,000  halaga ng Service Recognition Incentive (SRI)  ang maibibigay nito sa mga kuwalipikadong  guro at iba pang teaching personnel.

 

 

“Ayon po sa ating AO (Administrative Order) ‘no, talagang ito SRI, we will source it sa PS (personal) savings or ‘yung ginagamit natin for personnel. At ‘yun lang po talaga. We really tried to look at the numbers, we tried to see if we could give P20 [thousand] pero P18 [thousand] po yung maximum na mabibigay natin,” ayon kay Education spokesperson Undersecretary Michael Poa.

 

 

“Ganoon pa man, it’s significantly higher sa nabigay natin last year,” dagdag na wika nito.

 

 

Sinabi pa ni Poa  na ang  tax deductions sa P18,000-SRI ay dahil sa tax laws at hindi  DepEd policy.

 

 

“‘Yung tax naman po ay nasa tax laws talaga natin ‘yan, ‘no, na kapag nag-exceed ng P90,000 ang benefits na natatanggap ng kahit sinong empleyado ay nagiging taxable po siya. So hindi po DepEd policy ‘yung tax. It is really in our tax laws,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Poa na hindi maiko-convert ng DepEd ang  budget para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng departamento sa  Personal Services (PS) dahil gagamitin ito sa susunod na taon.

 

 

“Siguro ang nasasabi nila ‘yung mga programa na MOOE ay pwedeng i-convert to PS. Kaya lang po, ‘no, ‘yung mga budget kasi natin ay continuing. Gagamitin pa po natin siya next year,” ani Poa.

 

 

Nauna rito, sinimulan na ng school division offices at iba pang  implementing units ang pagbabayad at pamamahagi ng cash.

 

 

Pinaalalahanan naman ng  DepEd ang regions na gawing maayos ang distribusyon.

 

 

“We are constantly monitoring. Siyempre kinausap po natin ‘yung mga regions to make sure that they have procedures in place para hindi naman po mahirapan ang ating mga teachers,” anito.

 

 

May 7 rehiyon na ang nagsimula ng kanilang distribusyon.

 

 

“Sa NCR ang latest update po natin ay they are just checking, ‘no, ‘yung amount and, of course, ‘yung tax reductions and all that. And they are looking to distribute as soon as possible,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang nagsimula nang mamahagi ng P20 milyong halaga ng ng proyekto

    NAGSIMULA na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mamahagi ng P20 milyong halaga ng ng proyekto sa mga barangay na inalisan ng presensiya ng New People’s Army (NPA).   Lumipad si Pangulong Duterte sa Cagayan de Oro City, araw ng Biyernes para dumalo sa pulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict […]

  • Operasyon ng MRT 3 hinto muna

    Hinto muna ang operasyon simula kahapon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID 19 na may naitalang186 workers ang infected.   Sinabi ng management ng MRT 3 na baka sakaling hanggang Sabado pa abutin ang pagsasara ng nasabing rail line.   “The shutdown may be extended […]

  • Higit 2.4 milyon pasahero dadagsa sa PITX sa Undas

    NAGHAHANDA na ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa inaasahang higit sa 2.4 milyong pasahero na dadagsa sa terminal simula sa Oktubre 21 hanggang Nobyembre 5, kaugnay sa paggunita sa All Saints Day at All Souls Day.     Pinakamaraming pasahero ang inaasahan sa mga petsang Oktubre 30 at 31 sa aabot sa […]