• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1K ayuda sa Bayanihan 3 kinontra sa Kamara

Hindi sinang-ayunan ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang panukala ng House Committee on Economic Affairs at Committee on Social Services na P1,000 lamang ang ayudang ipamimigay bawat indibidwal sa ilalim ng Bayanihan 3.

 

 

Sinabi ni Cayetano na sapat ang P200 bilyong pondo ng panukalang Bayanihan 3 para makapagpamahagi ng P10,000 ayuda sa bawat pamilya.

 

 

“Hindi limos ang hinihingi ng ating mga kababayan. Tulong, dahil extraordinary ang problema,” pahayag ng dating Speaker.

 

 

Nitong Pebrero, inihain ni Cayetano at kaniyang mga kaalyado ang 10k Ayuda Bill na nag­lalayong mabigyan ng P10,000 tulong-pinansyal ang bawat pamilyang Pilipino habang patuloy ang kawalan ng trabaho at kagutumang dulot ng pandemya.

 

 

Isinama ang panukala sa bagong bersyon ng Bayanihan 3, pero sa kasamaang-palad ay hindi isinali ang probisyon na P10,000 ayuda bawat pamilya.

 

 

Hinimok ng dating Speaker ang publiko na manawagan sa mga mam­babatas na suportahan na ang mungkahing mabigyan ng P10,000 tulong-pinansyal ang bawat pamilya.

 

 

Kumpiyansa naman si Cayetano na hindi ibi-veto o tatanggihan ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang 10k Ayuda Bill kapag ipinasa ito ng Kongreso dahil may mapagkukunan naman ng pondo para rito. (Daris Jose)

Other News
  • Pakikiramay bumuhos sa pagpanaw ni Johanna Lim Uy national underwater hockey member ng bansa

    BUMUHOS  ang pakikiramay sa pagpanaw ni Johanna Lim Uy ang miyembro ng Philippine national underwater hockey team sa edad 41.     Kinumpirma ng Philippine Sports Commission ang pagpanaw ng 41-anyos na atleta.     Ayon sa PSC na kasama niya ang 67-anyos na ina ng nasawi matapos na hindi sila makalabas ng kanilang bahay […]

  • Karagdagang pondo ng gobyerno, hinihintay na lamang para masimulan ang proyekto ng LRT2 West Extension

    NAGHIHINTAY na lamang ng karagdagang pondo mula sa pambansang pamahalaan ang Light Rail Transit Authority (LRTA) upang tuluyang maituloy ang Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) West Extension project nito.     Ayon kay Light Rail Transit Authority Administrator Hernando Cabrera kumpleto na umano ang documentation at tapos na ang lahat ng plano pati […]

  • LTO: Gagawin digital na ang pagbibigay ng traffic citation tickets

    MAY  plano ang Land Transportation Office (LTO) na maglabas ng libong handheld devices sa mga traffic enforcers ng LTO upang maging digitalize ang pagbibigay ng citation tickets sa mga lumalabag sa batas trapiko. Ang mga devices na nasabi ay gagamitin ng mga LTO enforcers upang magbigay ng automatic electronic temporary operator’s permit (TOP) sa mga […]