P1M premyo sa LGBA Cocker of the Year – Crisostomo
- Published on March 11, 2020
- by @peoplesbalita
IHAHATAG pa rin ang 2020 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year series second leg sa Pasay City Cockpit sa susunod na Lunes, Marso 16, tampok ang 7-bullstag derby na may premyong P1M.
“Asinta ng mga kalahok na umabante pa sa COTY series na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000,” kahayag kahapon ni LGBA president Nick Crisostomo.
Nasa trangko sina Jeffrey at Aylwyn Sy ng Jam SB Sagupaan Winning Line na may 6.5 puntos nang magkampeon sa first leg noong Pebrero 28.
May 6-1 (panalo-talo) sina Mayor Rommel Romano ng RVR GF, Nelson Uy/Dong Chung ng HMG, lawyer Jun Caparroso ng Jungle Wild at may dalawang lahok na sina Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores.
Nakatutok sina Sonny Bello/Rommel Manalo at Carlos Tumpalan (5.5 points), Boy Gamilla, Hector Magpantay, Jimmy Gosiaco, Bok de Jesus, Dok Percy Modomo, Mel Lim, Pinggoy Lagumbay, Pros Antonio at Arnold dela Cruz (5 pts.).
Samantala, larga ang RCB Basilan 4-Cock Derby sa PCC sa Biyernes, Marso 13.
Ang iba pang detalye ay na kina Erica at Ace na mga makokontak sa 09454917474, 09394724206, 88431746 at 88166750. (REC)
-
PSL beach volley papalo sa Biyernes
Walong koponan ang magtatagisan sa pagbabalik-aksyon ng 2021 Gatorade-Beach Volleyball Challenge Cup na katakdang umarangkada sa Biyernes sa SBMA sand courts. Mainit na inihayag ni PSL chairman Philip Ella Juico ang kumpirmasyon ng muling pagdaraos ng volleyball tournament sa bansa matapos ang ilang buwan na pagkakaudlot dahil sa pandemya. Nagawa ito […]
-
Press Sec. Trixie, nagbitiw sa tungkulin
NAGBITIW na sa kanyang tungkulin si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles dahil sa medical reasons. Sa katunayan, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na naghain ng kanyang resignation letter si Cruz-Angeles ngayong araw ng Martes, Oktubre 4. “We’re still in the process of helping the Office address her resignation today. […]
-
Historic Philippine Patients Congress bares strategies for strengthening the patient’s voice in health policy-making and throughout the continuum of care
THE Philippine Alliance of Patient Organizations (PAPO), together with the Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP), the Asian Development Bank (ADB) and Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), mounted the first-ever Philippine Patients Congress on August 29 to 30, 2024. With the theme “Hand in Hand for Universal Health Care”, this historic event […]