P2.3 milyong shabu nasabat sa bebot sa Bilibid
- Published on July 13, 2022
- by @peoplesbalita
HIGIT sa P2-milyon na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad nang tangkang ipuslit papasok sa Maximum Security compound ng New Bilibid Prison (NBP), sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na Raquel Zuñiga, 33, residente ng Marasaga St., Tatalon, Quezon City.
Dakong ala-1:00 ng hapon ng Hulyo 11, 2022 sa frisking area sa mga bumibisita sa maximum compound.
Sa ulat, nadiskubre ng tauhan ng Inmate Visitation Service Unit (IVSU) ng Bureau of Correction (BuCor) sa body searching sa suspek ang dala niyang selyadong envelope na naglalaman ng nasa 35 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na P2,380,000.00.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
-
Mayor Vico: Manatiling vigilante vs COVID-19
Umaapela si Pasig City Mayor Vico Sotto sa publiko na manatiling vigilante at patuloy na tumalima sa lahat ng health at safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan upang labanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Ang apela ay ginawa ni Sotto sa kanyang social media accounts sa gitna na rin […]
-
NBA players, binigyan ng June 24-deadline para ihayag kung maglalaro sa season restart
Binigyan na ng palugit ang mga players ng NBA hanggang Hunyo 24 upang abisuhan ang kani-kanilang mga teams kung lalahok o hindi ang mga ito sa pagbabalik ng mga laro ng liga sa Walt Disney World. Mismo kasing mga NBA players ay hindi nagkakaisa sa muling pagpapatuloy ng season sa Orlando dahil sa samu’t saring […]
-
PAALALA SA SAKIT NA LEPTOSPIROSIS
NAGPAALALA ang Department of Health o DOH sa publiko sa mga nakukuhang sakit lalo na ang leptospirosis dahil sa matinding pagbaha dulot ng bagyong Karding. Sinabi ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na bunsod ng bagyo, marami ang lumusong sa baha at nag-evacuate kaya inatasan nito ang lahat ng lumusong sa baha na magtungo […]