• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P2.5B na first tranche para sa fuel subsidy, ipalalabas ng DBM ngayon- DBM Acting Sec. Canda

IPALALABAS ngayong araw ng Biyernes, Marso 11 ang P2.5 bilyong piso bilang first tranche ng fuel subsidy para sa mga driver o tsuper ng public utility vehicle (PUV).

 

 

Tinatayang 377,000 driver o tsuper ang makikinabang sa subsidiya.

 

 

“The receipt of the amount by the driver will depend on the speed by which the DOTr (Department of Transportation) can download the funds,” DBM OIC Usec. Tina Canda.

 

 

Kinumpirma rin Canda na ang kabuuang halaga ay dinoble kung saan umabot na ito P5 billion.

 

 

“The EDC (Economic Development Cluster) agreed to double the amount for fuel subsidy so ₱2.5B will be given this March and another ₱2.5B in April,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabilang dako, kinumpirma pa rin ni Canda na ang subsidy na makukuha ng kada driver ay dinoble na rin dahil mula sa P6,500 ay P13,000 na ang makukuhang subsidiya ng mga driver.

 

 

Nauna nang sinabi Canda na minamadali na nila ang mga proseso upang maibigay na sa mga kinauukulang ahensya ang pondo para sa fuel subsidy.

 

 

Sa katunayan, ani Canda, pina-follow na nila sa DOTr o Dept of Transportation ang mga kinakailangan pang dokumento para dito.

 

 

Humihingi naman ang dbm official ng kaunti pang pasensya sa mga subsidy beneficiaries dahil ginagawa na aniya nila ang lahat upang mairelease na sa lalong madaling panahon ang pondo.

 

 

Paliwanag ni Canda, hindi nila maaring basta na lamang irelease ang budget dahil may mga proseso o batas na kinakailangan nilang sundin.

 

 

Sa ilalim ng 2022 budget, ay nasa P2.5 billion ang alokasyon para sa Fuel Subsidy Program ng Department of Transportation.

 

 

Meron naman P500 million na budget ang Department of Agriculture para sa diskwento sa langis ng mga magsasaka at mangingisda na may mga indibidwal na pag-aari, o nag-ooperate ng agricultural at fishery machinery o nag-ooperate nito sa pamamagitan ng farmers organization o cooperative.

 

 

Gayunman, maaari lamang mailabas ang mga nabanggit na pondo kung aabot ang presyo ng Dubai crude oil sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan sa average na $80 per barrel o higit pa.

 

 

Ibig sabihin ay kailangan pa ang datos sa buong Marso para malaman ang three-month average ng Dubai crude oil.

 

 

Para malusutan ang three-month rule, ay sinabi ni Canda na gumawa ang Department of Energy ng adjustments para maisama ang December crude oil price data.

 

 

Samantala, hindi naman tutol si Canda sa posibleng pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng State of Economic Emergency para matugunan ang krisis sa langis na dulot ng sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

 

Pero sa Laging Handa briefing sinabi ni Canda na sa ngayon dapat munang habaan ang pasensya at iwasang mag-panic.

 

 

Pahayag ng DBM official, Ito kasing nangyayari sa dalawang bansa, kung titingnan ang kanilang history, inabot ng isang buwan ang nauna nilang labanan.

 

 

Kaya naman may posibilidad din na pagsapit ng March 31, 2022, baka matapos narin ang kaguluhan ng dalawang bansa.

 

 

Ito ang dahilan kung mahalagang ang bantayan ang mga kaganapan sa europa para malaman kung ano ang mga hakbang na maaring maipatupad ni Pang. Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • Ex-NBA star Kevin Garnett, interesadong bilhin ang Minnesota Timberwolves

    Pinag-aaralan ngayon ni dating NBA superstar Kevin Garnett ang posibilidad ng pagbili sa franchise ng Minnesota Timberwolves kasama ang grupo ng mga investors.   Ito’y matapos na aminin ni Timberwolves owner Glen Taylor na kanya raw pinag-iisipan at sinusuri ang ilang mga opsyon kaugnay sa pagbenta sa kanyang koponan.   Sinabi pa ni Taylor na […]

  • After na lait-laitin ang anak nilang si Malia: POKWANG, pinagbantaan ang basher na magkita na lang sa korte sa ginawang pambu-bully

    MAY mga bastos talagang netizens, na pati ang super cute at tisay na anak nina Pokwang at Lee O’Brien na si Malia ay pinagdiskitahan.     Sa IG post ng Kapuso comedianne na caption na, “Ayan mula kay tisay @malia_obrian pang palakas ng loob at hahhahaha.”     Marami ang natuwang netizens sa kakyutan ni Malia […]

  • Ads July 7, 2022