• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P2.7 milyon halaga ng shabu nasabat sa buy bust sa Navotas

Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit sa P2.7 milyon halaga ng shabu sa isang hinihinalang drug pusher na natimbog sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Crisanto Lazaro, 39 ng 300 Roldan St.Brgy. Tangos South.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 12:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg David Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni deputy chief for operation PLTCOL  Antonio Naag sa Wawa, Brgy. Tangos South kung saan nagawang makapagtransaksyon ni Pat Leo Dave Legaspi na nagpanggap na buyer sa suspek ng P3,000 halaga ng shabu.

 

 

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Ani SDEU investigator PSSg John Mikhail Garces, nakumpiska sa suspek ang nasa 405.4 gramo ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price P2,756,720.00, buy bust money at isang kulay maroon na belt bag.

 

 

Kaugnay nito, pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Nelson Bondoc ang Navotas Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ollaging dahil sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakakumpiska sa naturang illegal na droga. (Richard Mesa)

Other News
  • Secretary Rex kay VP Sara: Mga bata dapat proteksyunan ‘di mga nang-aabuso

        NANININDIGAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat lang na pagkalooban ng proteksiyon ang mga bata laban sa mga pang-aabusong pisikal at sekswual.       Hindi mananahimik ang ahensiya sa gitna ng mga seryosong akusasyon laban kay Apollo Quiboloy na nahaharap ngayon sa mga kaso ng human trafficking, sexual […]

  • DSWD, tiniyak na walang magiging problema sa pamamahagi ng ayuda sa mga apektado ni ‘Florita’

    TINIYAK  ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang magiging problema sa kanilang pamamahagi ng tulong para sa mga kababayan nating naapektuhan ng bagyong Florita.     Sa ulat ni DSWD Spokesperson Asec. Romel Lopez, sa kasalukuyan kasi ay nasa Php 760 million pa ang halaga ng quick response fund ng kagawaran mula […]

  • LAKERS, ISUSUOT ANG ‘BLACK MAMBA’ JERSEY SA GAME 5 NG NBA FINALS

    SUSUOTIN ng Los Angeles Lakers ang kanilang “Black Mamba” uniform, na dinisenyo bilang pagpupugay sa namayapang si Kobe Bryant, sa darating na Game 5 ng NBA Finals.   Ayon sa mga impormante, maliban noong Game 2 ay sa Game 7 pa raw sana nila susuotin ang black alternative uniform.   Pero sa Sabado kasi ay […]