• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P20 kada kilo ng bigas, nabili sa “KADIWA NG PANGULO” sa Albay

NAKAPAGBENTA ang ilang nagpartisipang stalls sa ilalim ng “Kadiwa ng Pangulo” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P20.00 kada kilo ng bigas sa Bicol Region sa idinaos na paglulunsad nito noong nakaraang linggo.

 

 

Sinabi ng National Irrigation Administration (NIA) na inilunsad nito ang Kadiwa ng Pangulo sa Albay-Catanduanes Irrigation Management Office (ACIMO) sa Ligao City, Albay kung saan P20.00 kada kilo ang bigas na ibinibenta sa mga residente.

 

 

Kabilang sa mga prayoridad na makatatanggap ng P20.00 kada kilo ng bigas ay iyong mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, mga Matatandaang at persons with special needs.

 

 

Nagawa rin namang makabili ng regular customers ng bigas sa halaga ng P35.00 kada kilo.

 

 

“It serves as a way of Irrigators Associations (IAs) to return the blessings they received from the government to less privileged people for their community,” ayon sa NIA sa official Facebook page nito, tinukoy ang pagbebenta ng P20.00 kada kilo ng bigas.

 

 

Maliban sa ‘affordable rice products’, sinabi ng NIA na ang iba’t ibang prutas at gulay, ilang delicacies at iba pang farm products ay ipinagbili sa “Kadiwa ng Pangulo” sa “affordable price.

 

 

Idinagdag pa ng NIA na suportado nito ang Inisyatiba ng gobyerno na tulungan ang IAs na ibenta ang kanilang kalakal direkta sa mga consumers at gawin ang kanilang pagkain na mas “accessible” at mura para sa mga kapus-palad na indibidwal.

 

 

Naisakatuparan ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng pagsisikap nina NIA Regional Manager Engr. Gaudencio M. De Vera, Albay-Catanduanes IMO Manager Engr. Jessie D. Baynas, at ACIMO IA Federation President Melanio Bañares.

 

 

“It is fulfilling for them, IA leaders and members, to share their blessing from the bountiful harvest on the previous cropping season amid the El Niño phenomenon in the country,” ayon kay Bañares.

 

 

Sinabi pa nya na ang masamang ani “is a testament to the government’s convergence, showcasing effective collaborative initiatives,” na kitang-kita aniya sa masamang ani sa gitna ng dry season.

 

 

Samantala, binigyang-diin naman ng NIA na nananatili itong committed na itaas ang rice production tungo sa realization ng “Bagong Pilipinas” na isinaisip ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • Seniors puwedeng mag-mall, grocery kahit anong oras

    KAHIT anong oras ay maaaring lumabas ang mga senior citizens para pumunta sa mga malls at groceries upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan   Nilinaw ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos iginiit ni National Commission of Senior Citizens Chair Atty. Franklin Quijano na dapat ilaan ang alas-9 hanggang alas- 11 ng umaga ng mga […]

  • Malakanyang sa DENR, imbestigahan ang Masungi resorts

    TINAWAGAN ng pansin ng Malakanyang ang  Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang napaulat na “construction and expansion” ng resort facilities sa Upper Marikina Watershed sa Masungi Georeserve.     Ayon kay Acting presidential spokesperson Martin Andanar, dapat lamang na imbestigahan ng DENR ang di umano’y illegal quarrying at mining activities sa […]

  • PDu30, labis ang pasasalamat sa tulong ng Japan sa economic dev’t ng Pinas

    NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Outgoing President Rodrigo Roa Duterte sa Japanese government para sa pagsuporta nito sa economic development ng Pilipinas, partikular na ang pagsisikap na makumpleto ang  kauna-unahang Metro Manila Subway Project (MMSP) sa bansa.     “May I express my gratitude again to the Japanese government for partnering with the Philippines to make […]