Seniors puwedeng mag-mall, grocery kahit anong oras
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
KAHIT anong oras ay maaaring lumabas ang mga senior citizens para pumunta sa mga malls at groceries upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan
Nilinaw ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos iginiit ni National Commission of Senior Citizens Chair Atty. Franklin Quijano na dapat ilaan ang alas-9 hanggang alas- 11 ng umaga ng mga malls at groceries para sa mga senior citizens.
“Unang-una, hindi po pinagbabawalan lumabas ang ating mga seniors para bumili ng kanilang necessities. Pupuwede po silang pumunta sa mga malls, sa groceries kahit anong oras,” ani Roque.
Hindi na aniya kailangang aprubahan pa ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil hindi naman pinagbabawalan ang mga senior citizens na lumabas.
Nauna rito, sinabi ni Quijano na maraming senior citizens ang nagre-reklamo dahil hindi sila pinapapasok sa mga groceries at malls. (Ara Romero)
-
Ads June 6, 2022
-
Ads March 9, 2021
-
EJ Obiena patuloy ang arangkada sa 2023
INANGKIN ni 2020+1 Tokyo Olympian Ernest John “EJ” Obiena ang unang gintong medalya ngayong taon sa Golden Perche En Or Sabado sa Stab Velodome sa Roubaix, France. Nalampasan ng 27-anyos at kasalukuyang World No. 3 na si Obiena ang taas na 5.82 metro upang agad maitala ang season best nito sa ikalawang torneo pa […]