P20/kilo ng bigas, hindi pa posible sa ngayon – DA chief
- Published on November 7, 2023
- by @peoplesbalita
AMINADO ang bagong talagang Kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na hindi pa posibleng ngayon na maibaba ang presyo ng bigas sa ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong kampanya na P20 kada kilo.
Subalit hangad pa rin aniya ng ahensiya na maibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo. Ang problema aniya sa ngayon ay nasa 15 year high ang presyuhan ng bigas sa pandaigdigang merkado kayat hindi pa ito posible sa ngayon.
Sa kabila nito, sa direktiba ni Pangulong Marcos, naghahanda na aniya sila na gawin ang lahat ng kanilang makakaya para gawing abot-kaya ang bigas sa bansa.
Sinabi din ng kalihim na bukas itong makipagtulungan sa kasalukuyang mga opisyal ng DA sa gitna ng mga ulat na nagdemand ito ng courtesy resignation ng kasalukuyang mga undersecretary. (Daris Jose)
-
Ads August 8, 2022
-
PBA naghahanda na sa season opening
Pinaplantsa na ng PBA management ang lahat para sa pagbubukas ng PBA Season 46 Philippine Cup na inaasahang masisimulan na sa susunod na buwan. Pangunahing prayoridad ng PBA ang mga health protocols na gagawin bago simulan ang season. Hindi naman na bago ang liga sa ganitong sitwasyon dahil nagawa na ito […]
-
Government employees, sang-ayon na babaan ang edad sa pagreretiro
BUKAS ang ilang mga empleyado ng gobyerno sa hakbang ng House of Representatives na babaan ang kanilang opsyonal na edad sa pagreretiro mula 60 hanggang 56 na taong gulang. Ayon kay Atty. Aileen Lizada ng Civil Service Commission, ang isang konsultasyon ng mga tauhan sa buong bansa na isinagawa noong 2019 bago ang […]