• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P200 monthly aid sa gitna ng tumaas na presyo ng langis, hindi sapat-VP bets

HINDI sapat ang P200 month aid na ibibigay ng pamahalaan sa mga mahihirap na pamilyang Filipino sa panahon nang patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Dapat din na suspendihin ang excise tax sa fuel products.

 

 

Sa idinaos na debate na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec), karamihan kasi sa mga vice presidential candidates ay nagkaisa sa kanilang pananaw ukol sa bagay na ito.

 

 

“It’s really like President [Rodrigo] Duterte is kidding us with that. That will be all gone in just a day,” ayon kay Walden Bello.

 

 

Aniya, dapat na suspendihin ng pamahalaan ang excise tax at value-added tax sa produktong petrolyo.

 

 

Itinulak din nito na itaas ang minimum wage ng P750 sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Ipinanukala din nito sa pamahalaan na i-freeze ang pagbabayad nito sa nonsecuritized foreign debt, sabay sabing 20% ng annual national budget ay marapat na mapunta sa nasabing item.

 

 

Tinawagan din nito ng pansin ang Duterte administration nang ibaba ang corporate income tax rate na mula 30% ay magiging 20%.

 

 

Aniya, mali na iprayopridad ito dahil “this could be a viable source of income for the government.”

 

 

Para naman kay Sen. Francis Pangilinan, hinikayat nito ang gobyerno na agad na ipalabas ang P500 milyong pisong subsidiya para sa mga magsasaka at mangingisda at P2.5 bilyong pisong ayuda para sa transport sector. Tiyakin lamang na hindi ito mauuwi sa korapsyon.

 

 

Ang panukala naman ni Senate President Vicente Sotto III ay gawing P1,000 ang minimum wage sa Kalakhang Maynila habang P600 hanggang P800 sa ibang lugar.

 

 

Suhestiyon din nito na bigyan ng tax break ang mga employer upang makayanan ang epekto ng wage hike.

 

 

“It’s better for the government to suffer rather than the people. The government is accustomed to borrowing. But our countrymen, they would go for five-six just so they can eat,” ani Sotto.

 

 

“Five-six” refers to a scheme under which for every P5 of a loan a borrower would have to pay P6  — in other words, pay with a 20% interest,” ayon sa ulat.

 

 

Nagpanukala rin si Sotto na ituon ang pansin sa renewable sources of energy — gaya ng solar energy.

 

 

Sinang-ayunan naman ni Manny Lopez ang pahayag ng ibang kandidato na hindi sapat ang P200 subsidiya subalit mas mabuti na aniya ito kaysa sa wala.

 

 

Ang pagsirit aniya sa local pump prices ay isa lamang “speculative” at marapat lamang na gumamit ang pamahalaan ng “moral suasion” para kumbinsihin ang mga tanggapan ng langis na huwag magtaas ng presyo.

 

 

“The Philippines was not dependent on the Russian oil supply, accounting for less than 10% of the global supply of crude oil,” aniya pa rin.

 

 

“The Russian oil supply can be supplemented by increased production of Saudi Arabia, the United Arab Emirates, and even the United States,” dagdag na pahayag ni Lopez.

 

 

Aniya, ang mga oil companies ay mayroong reserbang langis na tatagal mula 60 hanggang 90 araw.

 

 

Maaari aniyang gamitin ang mga reserbang langis upang hindi at maiwasan ang patuloy na pagtaas ng presyo nito.

 

 

Para kay Dr. Willie Ong, kailangang suportahan ng pamahalaan ang agrikultura at food security at ituon ang pansin sa renewable energy.  (Daris Jose)

Other News
  • Tanong ng netizens, bakit pati sina Liza at Julia? : KATHRYN, in-unfollow na si DANIEL kaya malabo nang magkabalikan

    NAGING usap-usapan ng netizens ang ginawang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla sa Instagram.     Tila nagbigay na ng hudyat si Kath na imposible na silang magkabalikan pa ni DJ, na balitang muling nanunuyo sa babaing minahal nang lubusan.     Napanood nga sa video sa kasal nina Robi Domingo […]

  • DSWD, pinaalalahanan ang mga lokal na opisyal na huwag gamitin sa politika o politikahin ang disaster relief operations

    PINAALALAHANAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga lokal na opisyal na huwag politikahin ang kanilang relief operations sa gitna ng magkakasunod na tropical cyclones na nanalasa sa maraming bahagi ng bansa. Sa kabila ng 5 cyclones sa loob lamang ng tatlong linggo, sinabi ng DSWD na may sapat silang stockpile ng […]

  • COVID-19 sa Metro Manila, bumaba – OCTA

    PATULOY ang pag­baba ng COVID-19 weekly positivity rate sa Metro Manila batay sa latest data ng OCTA Research Group.     Ang positivity rate ay ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 makaraang masuri sa virus.     Batay sa inila­bas na datos ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nitong May 28 ay bumaba […]