P20M iginawad ng DOLE sa mga manggagawang impormal
- Published on May 27, 2022
- by @peoplesbalita
MAHIGIT 800 na mga public utility vehicle (PUV) driver, solo parent, ambulant vendor, marginalized fisherfolk, person with disabilities, at iba pang vulnerable na mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap ng P20 milyong tulong mula sa labor department.
Iginawad ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang tulong ng DOLE sa mga marginalized na manggagawa na naapektuhan ng pandemya noong Araw ng Paggawa para sa mga Manggagawa sa Impormal na Sektor noong Lunes sa Arroceros, Maynila. Ang nabanggit na tulong ay bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaan na muling makabangon ang ekonomiya,
Tumanggap ang mga benepisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) ng bicycle units, electronic loading business, bigasan package, frozen goods, home care products, Nego-Kart (Negosyo sa Kariton), o bangka.
Samantala, ang mga mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ay sumailalim sa emergency employment sa loob ng 10 araw at nakatanggap ng P5,370 ang bawat isa, bilang kanilang suweldo.
Binigyang-halaga ni Bello ang malaking kontribusyon sa ekonomiya ng mga manggagawa sa impormal na sektor at muling binanggit ang layunin ng Kagawaran na palakasin ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng emergency employment o pagsusulong ng entrepreneurship at mga negosyo ng komunidad.
Binigyang-diin din niya ang mga social amelioration program ng administrasyong Duterte at ang kahalagahan ng whole-of-government approach upang tulungan ang marginalized sector na makabawi mula sa epekto ng pandemya.
Batay sa March 2022 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), 36.2 porsyento o 17.016 milyon ng kabuuang bilang ng mga may trabaho ang maaaring ituring na mga manggagawa sa impormal na sektor
Ayon sa PSA, ang impormal na sektor ay binubuo ng mga “yunit” ng nakikibahagi sa produksiyon ng mga kalakal at serbisyo na ang pangunahing layunin ay makalikha ng trabaho at kabuhayan. Ang mga yunit na ito ay karaniwang pinatatakbo ng mababang antas ng organisasyon, na may kaunti o walang dibisyon sa pagitan ng paggawa at kapital, bilang mga dahilan ng produksyon.
Ang paggunita sa Araw ng mga Manggagawa sa Impormal na Sektor na may temang “Manggagawa sa Impormal na Sektor, Matatag na Ugnayan Tungo sa Matatag na Pagbangon” ay pinangunahan ng Bureau of Workers with Special Concerns. (Richard Mesa)
-
Pagpapatupad ng bagong alert level system sa mga probinsiya, may konsultasyon- Sec. Roque
KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinunsulta ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang lahat ng rehiyon at probinsya bago pa ikinasa ang bagong alert level system sa ilang piling lugar sa bansa. Umapela kasi ang League of Provinces in the Philippines sa IATF na ipagpaliban ang implementasyon ng alert level system sa […]
-
Sotto magpapalakas pa!
AMINADO si Gilas Pilipinas standout Kai Sotto na kailangan pa nitong magpalakas upang mas maging matagumpay sa mga susunod na laban na haharapin nito. Bahagi si Sotto ng Gilas Pilipinas na sumabak sa dalawang laro ng tropa sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Beirut at Manila. […]
-
Nakababatang kapatid ng hepe ng PNP, itinalaga bilang bagong Wescom commander
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine Fleet commander, Rear Admiral Alberto Carlos, bilang bagong commander ng Western Command (Wescom) Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Palawan. Si Carlos ay nakababatang kapatid ni Philippine National Police (PNP) chief, General Dionardo Carlos. Sa isang text message, kinumpirma ni Department of […]