• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P238K halaga ng shabu, nasamsam, 3 arestado

ARESTADO ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang security guard matapos makumpiskahan ng nasa P238K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng Valenzuela City Police sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ng bagong hepe ng Valenzuela Police na si P/Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Ronaldo Fernandez alyas “Uting”, 42, tricycle driver, Jayson Faustino, 42, welder, kapwa ng Bldg. H. Camarin Residence 1, Brgy. 175, Camarin, Caloocan, at Frederick Mercadejas, 40, ng Brixton St. Opel, Camarin.

 

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Station Intillegence Branch (SIB) sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ortega ang bust-bust operation kontra sa mga suspek sa No. 416 Bldg .H, Camarin Residence 1, Brgy 175, Camarin, Caloocan City sa koordinasyon sa PDEA at Caloocan Police.

 

Matapos iabot ng mga suspek ang isang sachet ng shabu sa isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P1,000 marked money ay agad silang sinunggaban nina PSSg Gabby Migano, PSSg Gerry Dacquil, PCpl Dario Dehita at PCpl Ed Shalom Abiertas.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 35 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P238,000 street value ang halaga, buy-bust money, digital weighing scale at P300 bill. (Richard Mesa)

Other News
  • UNQUALIFIED OPINION MULA SA COA, TINANGGAP NG QC LGU SA IKATLONG SUNUD-SUNOD NA PAGKAKATAON

    INANUNSYO ni Quezon City Mayor Joy Belmonte nitong Independence Day celebration na nakatanggap muli sa ikatlong sunud-sunod na pagkakataon ng “unqualified opinion” mula sa Commission on Audit ang pamahalaang lokal ng Quezon City para sa 2022 annual audit report matapos ang mahigpit na assessment.     Ang “unqualified opinion” ay ang pinakamataas na audit opinion […]

  • Justice Lopez, bagong Associate Justice ng SC

    KAPWA kinumpirma nina Executiive Secretary Salvador Medialdea at Presidential spokesperson Harry Roque ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay dating Court of Appeals Justice Joseph Ilagan- Lopez bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.   Sinabi ni Sec. Roque na pinirmahan ng Pangulo ang appointment paper ni Justice Lopez kahapon, Enero 25.   Inaasahan […]

  • ADB bibigyan ng pondo ang 4 na DOTr projects

    ANG Asian Development Bank (ADB) ay nakatalagang aprubahan ang funding para sa apat (4) na priority projects ng Department of Transportation (DOTr).   Ayon sa Manila-based na multi-lateral bank, nakahanay na para aprubahan ang EDSA Greenways Project, South Commuter Railway Project, Davao Bus Project at ang MRT 4 Line mula Ortigas papuntang Rizal province.   […]