P238K halaga ng shabu, nasamsam, 3 arestado
- Published on February 22, 2020
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang security guard matapos makumpiskahan ng nasa P238K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng Valenzuela City Police sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng bagong hepe ng Valenzuela Police na si P/Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Ronaldo Fernandez alyas “Uting”, 42, tricycle driver, Jayson Faustino, 42, welder, kapwa ng Bldg. H. Camarin Residence 1, Brgy. 175, Camarin, Caloocan, at Frederick Mercadejas, 40, ng Brixton St. Opel, Camarin.
Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Station Intillegence Branch (SIB) sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ortega ang bust-bust operation kontra sa mga suspek sa No. 416 Bldg .H, Camarin Residence 1, Brgy 175, Camarin, Caloocan City sa koordinasyon sa PDEA at Caloocan Police.
Matapos iabot ng mga suspek ang isang sachet ng shabu sa isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P1,000 marked money ay agad silang sinunggaban nina PSSg Gabby Migano, PSSg Gerry Dacquil, PCpl Dario Dehita at PCpl Ed Shalom Abiertas.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 35 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P238,000 street value ang halaga, buy-bust money, digital weighing scale at P300 bill. (Richard Mesa)
-
‘Shared bike lane’ ibinasura ng MMDA
IBINASURA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang panukala na ‘shared lane’ para sa mga bisikleta at motorsiklo sa EDSA. Ito ay makaraan ang pulong ni MMDA chair Romando Artes sa mga kinatawan ng mga motorcycle at bicycle groups kung saan nabigo na makaabot sila sa isang kasunduan at desisyon. […]
-
P470 taas sahod sa NCR, iminumungkahi
HUMIRIT na ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng P470 taas-sahod o P1,007 daily minimum wage sa National Capital Region (NCR). Ito’y kasunod ng inihaing petisyon ng hanay ng mga manggagawa sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-NCR Office bunsod ng lingguhang taas sa presyo ng produktong petrolyo at pangunahing […]
-
McGregor, ‘di na umaasang tuloy ang Pacquiao showdown
Hindi na umano umaasa pa si MMA superstar Conor McGregor na matutuloy pa ang nilulutong laban sa pagitan nila ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao. Pahayag ito ni McGregor matapos itong masilat ni Dustin Poirier sa ikalawang round ng bakbakan nila sa UFC 257 na idinaos sa Abu Dhabi kahapon. […]