• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P25/kilong bigas hiling pabahain sa lahat ng palengke

MABILIS  na inaprubahan ng House Committee on Agriculture and Food ang panukalang isama ang tobacco smuggling bilang economic sabotage.

 

 

Napagkasunduan din ng komite na mag-draft ng committee report para i-endorso sa plenary ang panukalang batas na inihain nina Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Margarita Nograles at Presidential son at Ilocos Norte Rep. Ferdinand “Sandro” Marcos.

 

 

Sa house bill 3917, isinusulong ng dalawang mambabatas ang pagpataw ng mas mabigat na parusa at multa sa tobacco smuggling sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ilang probisyon sa Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

 

 

Aamyendahan din ng panukala ang Section 3 ng RA 10845 para maisama ang tobacco smuggling, maging ito ay manufactured products tulad ng cigars, cigarettes, o heated tobacco, bilang economic sabotage na may parusang life imprisonment at multang dalawang beses na mas malaki sa fair value ng smuggled agricultural product, buwis at iba pang multa.

 

 

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Nograles na ang tobacco farming ay nananatiling pangunahing pinagkukunan ng pangkabuhayan ng maraming magsasakang Pinoy kahit na mataas ang excise taxes sa bentahe ng tobacco products.

 

 

“The tobacco industry is a common source of income for many Filipinos. This contributes to around 516,000 labor force in 2019 and around 2.2 million  Filipinos generated earnings from the industry. The significant impact was it accounts for 6% of tax revenue in 2020, and 58% of so-called sin tax receipts are being used to finance the national health budget – including the universal health care resulting in 8 million more low-income families receiving health care under this program,” ani Nograles.

 

 

Nananatili pa rin aniyang mataas ang tobacco production mula Abril hanggang Hunyo 2022, kung saan tinatayan na ang produksyon ng tobacco dried leaves ay nasa 36.38 libong metriko toneladas. Ang Ilocos region ang siyang pangunahing tobacco producer na nasa 24.02 librong metriko tonelada o 66% bahagi ng total tobacco production.

 

 

Ngunit, hindi lamang nagdurusa ang local tobacco farmers at lehitimong tobacco product manufacturers dala na rin ng mataas na excise tax kundi dahil na rin sa malaking halaga ng tobacco products naipinapasok sa bansa ng iligal. (Daris Jose)

Other News
  • Suporta sa panukalang DPWH district office sa BARMM

    SUPORTADO ng isang Mindanaon solon ang panukala ni Pangulong Bongbong Marcos na bumuo ng isang district office para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para mapabilis ang pag-aayos ng mga nasirang daan at tulay dulot ng bagyong Paeng.       Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, napakaraming daan at tulay ang napinsala […]

  • Pondong nailabas na ng pamahalaan para sa benepisyo ng mga healthcare workers, P16 B na

    PUMALO na sa P16.11 bilyong piso na ang kabuuang nailalabas na pondo ng gobyerno para sa benepisyo ng mga healthcare workers.   Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, iniulat ni DOH Secretary Francisco Duque na nasa 79,662 eligible healthcare workers ang nakatanggap na ng SRA o special risk allowance as of […]

  • DOH: Pareho ang protocol ng mga ospital para sa confirmed, probable/suspect COVID-19 cases

    NILINAW ng Department of Health (DOH) na pareho lang ang protocol na ipinatutupad sa mga probable at suspected COVID-19 cases, tulad ng ginagawa sa mga confirmed o positibong kaso ng sakit.   Pahayag ito ng kagawaran sa gitna ng mga ulat na may ilang pamilya raw ang kumwestyon sa responde ng mga doktor sa kanilang […]