P275-B Maharlika Wealth Fund target maipasa bago mag ‘Christmas break’ ang Kamara – Salceda
- Published on December 5, 2022
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ni House Ways and Means Committee Chair at Albay Representative Joey Salceda na target nila na maipasa ang panukalang P275- billion Maharlika Wealth Fund bago mag Christmas break ang House of Representatives sa December 17.
Ayon sa economist solon, ang MWF ay makakatulong para mas mapalaki ang investment opportunity ng pamahalaan.
Paliwanag ng mambabatas mas malaki ang inaasahang kikitain ng gobyerno kung ikukumpara sa individual investments na pinapasok ng GFI’s gamit ang kanilang investible funds.
Ang kikitain ng MWF, ang siya naman aniyang gagamitin para sa mga programa at proyekto ng gobyerno.
Pinabulaanan din ni Salceda na kanilang minamadali ang panukala.
Naniniwala din si Salceda na ngayon ang pinaka tamang panahon para maisabatas ito lalo at maraming proyekto na matagal na dapat ipinatupad ang hindi pa rin napopondohan tulad na lang ng pagpapatayo ng bagong dam at electrification.
Sa kabilang dako, siniguro din ng beteranong mambabatas na hindi magagaya sa 2016 1Malaysia Development Berhad scandal, ang panukalang P275 billion Maharlika Wealth Fund na isinusulong ngayon sa Kamara.
Punto ni Salceda may sapat na safeguards ang kanilang inilagay para maprotektahan ang pondo sa anumang iligal na paglustay ng pera.
Ang Maharlika wealth fund ay priority measures ng Pangulong Bongbong Marcos.
Limang Government Financial Institutions ang paghugutan ng investment na ilalagay sa Maharlika Wealth Fund.
Samantala, pinawi naman ni Salceda ang maling paniwala na mayruong conflict of interest sakaling si Pang. Bongbong Marcos ang uupong chairman ng board of directors. (Daris Jose)
-
Coo masigla pa rin kahit nagkakaedad
IBINAHAGI nina world-renowned Pinay tenpin bowler Olivia ‘Bong’ Coo Garcia at Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion-Norton ang mga karanasan sa katatapos na Philippine Sports Commission’s (PSC) women empowerment web series Rise Up! Shape Up. Pinamagatan ang ikawalong episode ng dalawang buwan ng serye na “Aging Gracefully: Embracing Life’s Golden […]
-
4Ps cash grant, mas praktikal kaysa sa pamamahagi ng bigas
MAS PRAKTIKAL ang pamamahagi ng cash grants kaysa sa aktuwal na pamamahagi ng bigas sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Sinabi ito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Romel Lopez at tagapagsalita ng departamento matapos irekumenda ng National Food Authority ang pagbili at pamamahagi ng bigas sa halip […]
-
Steph Curry inangkin ang ika-2 NBA scoring title
Napasakamay ni Stephen Curry ang kanyang ikalawang NBA scoring crown habang inangkin ng Portland Trail Blazers ang No. 6 berth sa Western Conference playoffs sa pagtatapos ng regular season games. Sa San Francisco, nagpasabog si Curry ng 46 points sa 113-101 pagbugbog ng Golden State Warriors (39-33) sa Memphis Grizzlies (38-34) para kunin […]