• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P293-M halaga ng financial aid naipamahagi sa mga sinalanta ng Bagyong Odette – DSWD

Mahigit 293 million ang halaga ng financial aid na naibigay sa mga komunidad na sinalanta ng Bagyong Odette, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Sa kanialng report, sinabi ng DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Caenter na P293,352,307 halaga ng assistance ang naibigay ng DSWD, local government units, at non-government organizations, at iba pa.

 

 

Kabilang sa mga pinakamatinding sinalanta ng Bagyong Odette ay ang MIMAROPA, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, at BARMM.

 

 

Base naman sa report ng NDRRMC, lumalabas na 407 ang napaulat na namatay dahil sa hagupit ng Bagyong Odette, kung saan 75 dito ang kumpirmado na at 332 naman ang binibirepika pa.

 

 

Samantala, 1,241,954 pamilya o katumbas ng 4,876,254 inidbidwal ang apektado ng bagyo.

Other News
  • 2-M na poor families, naghihintay na mailista sa 4Ps

    INIULAT ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na nasa 2 milyong pamilyang Pilipino ang nailagay sa waiting list para sa cash assistance program ng gobyerno o 4Ps.     Ipinaliwanag ni Tulfo sa ilang grupo ng mga “galit” na benepisyaryo na nakatakdang tanggalin sa programa na marami pa ring mahihirap na pamilya ang nasa waiting […]

  • 5 Govt. Agency prioridad na iimbestigahan

    LIMANG government agency na talamak sa katiwalian ang binigyan priyoridad na iimbestigahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra.   Ayon kay Guevarra ,kabilang na ang Philippine Health Insur- ance Corp.(PhilHealth), Bureau of Customs , Bureau of Internal Revenue, Land Registration Authority, at ang Department of Public Works and Highways.   Sinabi ni Guevarra na una na […]

  • Bilib kay VP LENI at sa ‘Angat Buhay Lahat’ movement: MONSOUR, nanghihikayat na piliin ang tamang lider na para sa gobyernong tapat

    ISANG buwan bago ang Pambansang Halalan sa Mayo 9, karamihan sa mga bontanteng Pilipino ay nakapili na ng kanilang ibobotong pangulo at pangalawang pangulo.     Batay naman sa huling survey ng Pulse Asia mula Marso 17 – 21, sina VP Leni Robredo at dating Senador Kiko Pangilinan ay umabante na sa 24% at 15%. […]