• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P30K cash assistance para sa anak ng mga OFWS, ibabahagi ng DOLE

TINATARGET ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Commission on Higher Education (CHED) na mamigay ng cash assistance sa mga anak ng overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho o namatay dahil sa coronavirus pandemic.

 

Bawat magkokolehiyong anak ng mga ODWs ay makatatanggap ng P30,000 bilang educational assistance.

 

Ayon kay DOLE Undersecretary Dominique Tutay, ang nasabing one-time financial assistance ay nakapaloob umano sa Tabang OFW Program ng DOLE at CHED.

 

May inilaan na P1 bilyong piso na pondo ang pamahalaan para sa halos 30,000 OFW beneficiaries.

 

Balak aniya ng DOLE at CHED na simulan ang pamamahagi ng ceducational assistance sa buwan ng Oktubre sa oras na maisaayos na ang listahan ng mga kwalipikadong anak ng mga OFW.

 

Magkakaroon din umano ng pagpupulong para suriin ng mabuti ang magiging listahan upang makita kung tutugma ito sa listahan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

 

Kakailanganin lamang ng mga ito na ipakita ang patunay na ang kanilang mga anak ay naka-enroll o mag-e-enroll sa CHED-accredited o recognized colleges o university.

Other News
  • Malaki ang utang na loob niya kina Abby: LEANDRO, inalala ang ginawang pagti-trip sa kanya ni ROSANNA

    INALALA ng dating sexy actor na si Leandro Baldemor na pinagtripan siya ni Rosanna Roces sa photo shoot ng pelikula nilang “Patikim Ng Pinya” na ipinalabas noong 1996.       Nakachikahan namin si Leandro sa bahay niya sa Paete, Laguna at sa kanyang gallery noong Biyernes, May 3.       Kuwento actor tungkol […]

  • PAGBILI NG BAGONG VCM, INIREKOMENDA

    DAPAT nang  umarkila ng mga bagong vote counting machine para sa pagsasagawa ng 2025 polls at higit pa upang maiwasan ang mga insidenteng hindi gumaganang VCM sa hinaharap.     Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia ang posisyon sa deliberasyon ng Commission oin Appointments sa kanyang nominasyon bilang poll body chairperson at sinabing hindi na […]

  • 2 drug suspects nalambat sa Navotas buy bust, P400K shabu nasamsam

    MAHIGIT P.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang umano’y tulak ng illegal na droga na natimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas […]