P37-P50/litro ng petrolyo, hirit
- Published on July 19, 2022
- by @peoplesbalita
UMAPELA ang transport group sa pamahalaan na umaksiyon upang mapababa pa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ng mula P37 hanggang P50.
Ayon kay Pinagka-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) national president Mody Floranda, ikinatutuwa nila ang nakaambang na panibagong round ng bawas sa presyo ng mga petroleum products ngunit mas mainam anila kung higit pa itong mapapababa ng gobyerno sa P37-P50.
Bukod dito, nais din ng grupo na pahintulutan na ng gobyerno ang mas marami pang public utility vehicles (PUVs) na mag-operate kasunod na rin nang nakatakda nang pagbubukas muli ng klase sa susunod na buwan.
“Kahit papaano ay madaragdagan na ang kita niyan at makakapagpagawa tayo ng ating sasakyan. Lalo na sa ngayon na batay sa gobyerno ay sa darating na August 22, ay mag-o-open classes na kaya mas kailangan talaga ng malaking public transport para doon sa tuluy-tuloy na pagse-serbisyo sa ating mamamayan,” ani Floranda.
Sa pagtaya ng ilang oil industry sources, posibleng mabawasan pa ang presyo ng diesel ng P1.70 hanggang P1.90 kada litro ngayong darating na linggo habang ang presyo naman ng gasolina ay maaaring mabawasan ng P4.70 hanggang P4.90 kada litro.
Ani Floranda, dapat na respetuhin at kilalanin ni Pangulong Bongbong Marcos ang lehitimong prangkisa ng mga pampublikong transportasyon upang tuluy-tuloy na silang makapagserbisyo sa mga mamamayan, partikular na sa mga estudyante na magbabalik-eskwela na.
Una nang itinakda ng Department of Education (DepEd) sa Agosto 22, 2022 hanggang Hulyo 7, 2023 ang School Year 2022-2023.
Ang implementasyon naman ng full face-to-face classes ay magsisimula na sa Nobyembre 2, 2022. (Ara Romero)
-
ANDREA, nakabibilib sa pag-handle ng break-up at pag-move on kay DEREK na mabilis na nakahanap ng kapalit
HINDI biro ang naging investment ng Kapuso actress na si Andrea Torres sa relasyon nila ni Derek Ramsay hanggang biglang umamin ang huli na break na nga sila. And months after, may nahanap na agad na kapalit ni Andrea ang actor, na as we all know, ang ina ng anak ni John Lloyd […]
-
Pacquiao nasa PH na kasunod ng laban vs Ugas; naka-quarantine na sa isang hotel sa Pasay
Dumiretso sa Conrad hotel sa Pasay City na si Sen. Manny Pacquiao kasama ang kanyang pamilya para sa kanilang 10-day quarantine matapos na dumating na sa bansa kaninang madaling araw. Alas-3:23 ng umaga lumapag sa Ninoy Aquino International Airport mula Los Anges ang PAL 103 lulan sina Pacquiao, na kakagaling lamang sa laban […]
-
42 mambabatas, pinaiimbestigahan ang sunog sa MCPO
NAIS ng nasa 42 mambabatas na imbestigahan ng kamara ang naganap na sunog sa Manila Central Post Office building na nagdulot ng matinding pagkasira sa nasabing istraktura. Sa House Resolution 1019, sinabi ng mga mambabatas na miyembro ng Arts, Culture and Creative Industries Bloc (ACCIB) ng kamara, na kailangang ang pagsasagawa ng imbestigasyon […]