P42-M tulong sa typhoon-stricken Caviteños
- Published on November 16, 2024
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Huwebes ang distribusyon ng financial assistance na nagkakahalaga ng P42.33 million sa mga magsasaka at mangingisda sa Cavite province na apektado ng Severe Tropical Storm Kristine (international name Trami) at Super Typhoon Leon (Kong-rey).
May kabuuang 4,233 benepisaryo mula 21 munisipalidad sa lalawigan ang nakatanggap ng P10,000 bawat isa.
“Patuloy ang ating pagsusumikap maibalik sa normal ang kalagayan ng mga Caviteño at mga karatig na probinsya ng Calabarzon,” sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa isinagawang aid distribution sa Tagaytay International Convention Center.
Nangako naman ito na tutulungan ang mga biktima ng Kristine at Leon na makabangon mula sa epekto sa lalong madaling panahon.
Nakiisa rin sa event ang Department of Social Welfare and Development at Department of Labor and Employment para magbigay ng tulong.
Hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang mga Caviteños na manatiling determinado at huwag mawalan ng pag-asa sa pagharap sa mga hamon, tiniyak naman ng Pangulo na patuloy na susuportahan ng gobyerno ang mga ito.
“Hinihikayat ko kayong lahat na manatiling matatag, magtulungan po kayo, at huwag mawalan ng pag-asa, dahil ang pamahalaan ay kasama ninyo sa bawat hakbang ng inyong pagbangon,” ayon kay Pangulong Marcos. (Daris Jose)
Other News
-
Ilang mga alkalde hindi sang-ayon sa isinusulong ng DILG sa hindi na pag-anunsiyo ng bakuna
Hindi sang-ayon ang ilang alkalde sa Metro Manila sa panukalang hindi na sabihin sa mga mamamayan ang COVID-19 vaccine na ituturok sa kanila. Kasunod ito sa naging pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduard Año na dapat hindi inaanunsiyo ang mga brand na gagamitin ng mga LGU para hindi […]
-
Ads July 23, 2022
-
Ads September 3, 2020