P45M insentibo binigay, inani ng SEAG coaches
- Published on March 2, 2020
- by @peoplesbalita
SINIMULAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pamimigay ng tseke mula sa inilaang halos P45 milyon cash incentives para sa 182 national coaches matapos masungkit ng Team Philippines ang overall championship sa 30th Southeast Asian Games.
Batay sa ilalim ng probisyon ng Republic Act No. 10699 o mas kilala bilang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang national coaches na may gold medal ay tatanggang ng P150K; silver medal P75K; habang sa bronze, P30K sa SEA Games level.
“The incentives for the coaches shall be equivalent to fifty percent (50%) of the cash incentives for gold, silver and bronze medalists. In case of more than one (1) coach, the cash incentives shall be divided among themselves,” ayon pa sa batas.
Ang computation ng cash incentives ay base sa pagsusumite ng certification requirements at profile na ibinigay ng mga national sports associations at mismong mga medallist-athlete sa PSC.
“A coach can only receive his/her incentives upon submission of required certifications and documents,” sabi ni PSC-NSA Affairs Office Head Annie Ruiz.
Ang mga national coach ng arnis, athletics, beach handball, billiards, bowling, boxing, cycling, dancesports, gymnastics, jiu-jitsu, kickboxing, modern pentathlon, muay, pencak silat, rowing, sailing, sambo, sepak takraw, soft tennis, soft tennis, softball, squash, taekwondo, tennis, weightlifting, windsurfing at wrestling ang unang batch na mga makakakuha ng insentibo.
Ang sunod na batch ng coaches na nakatakdang makakuha ng pabuya ay ang archery, baseball, canoe, fencing, judo, lawn bowls, obstacle course, swimming, traditional boat race at volleyball.
Kinuha ang pondo para sa insentibo sa National Sports Development Fund (NSDF) na ibinibigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) alinsunod sa RA 10699.
-
2 drug suspects tiklo sa P64K droga sa Caloocan at Malabon
SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang dalawang drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P60K halaga ng droga makaraang matimbog sa Caloocan at Malabon Cities. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 9 sa kahabaan ng Arseña St. […]
-
Panawagan ni Abalos sa mga mall owners, maging istrikto sa vaccination card sa mga papasok sa kanilang establisimyento
NANAWAGAN si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr. sa mga mall owners na maging istrikto sa paghahanap ng vaccination card ng mga papasok sa kanilang establisimyento lalo na ngayong malapit na ang Christmas season. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Abalos na kailangan na gawing istrikto ito at siguraduhin na […]
-
PAGAWAAN NG PEKENG TRAVEL. SWAB TEST RESULT NABUKING
NABISTO ang isang pagawaan ng pekeng mga dokumento gaya ng IATF ID,quarantine pass, travel authority pass,medical certificate ,swab test at rapid test results mula sa Manila Health Department (MHD) sa isinagawang pagsalakay,kahapon ng umaga sa Sta.Cruz,Maynila. Kinilala ni PLt.Col John Guiagui,station commander ng Manila Police District-Police Station 3 ang suspek na si Marilyn Balagtas, […]