• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P46 bilyong 2nd round ng SAP naipamahagi

Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang may P46.5 bilyong pondo na ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP) fund ng pamahalaan sa panahon ng COVID-19 pandemic.

 

Ayon sa DSWD, may kabuuang 6,951,049 pamilya ang tumanggap ng cash aid kasama na dito ang may 1.3 milyong Pantawid Pamilyang Pilipino Program bene­ficiaries, 3.7 milyong low-income at non-4Ps families gayundin sa halos 1.9 milyong dagdag na pamilya.

 

Inamin naman ng DSWD na nagkaroon ng pagbagal ang pamamahagi ng ayuda sa mga qualified beneficiaries sa pamamagitan ng manual at digital payouts pero tatapusin ang pagbibigay ng pondo hanggang katapusan ng Hulyo.

 

Hanggang sa ikalawang linggo naman ng Agosto matatanggap ng mga benepisyaryo ng SAP na nakatira sa malalayo at liblib na barangay. (Daris Jose)

Other News
  • 17 sangkot sa game-fixing scandal sa MPBL, haharap na sa kasong kriminal

    Magsasampa na ang mga prosecutors ng criminal charges laban sa 17 indibidwal na sinasabing sangkot sa match-fixing scandal sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) noong 2019.     Sa resolusyon ng Department of Justice (DoJ), nakitaan daw ng probable cause ang isinampang reklamo laban sa mga naturang indibidwal dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602 […]

  • Scott Eastwood Reprises His Role As ‘Little Nobody’ In The Upcoming ‘Fast and Furious 10’

    SCOTT Eastwood is returning to The Fast Saga, reprising his role as Eric Reisner a.k.a. Little Nobody in Fast & Furious 10.     Also known as Fast X, the tenth film in the main franchise is currently in production after a brief but significant snafu regarding its filmmaker. Director Justin Lin, who returned to […]

  • Matagal ding naka-confine at nasa ICU: JOVIT, pumanaw na sa edad 29 dahil sa aneurysm

    PUMANAW na si Jovit Baldivino, ang first winner ng ‘Pilipinas Got Talent’, sa edad na 29.     Matagal-tagal ring naka-confine si Jovit sa ospital mula nang atakehin umano ito sa isang event sa Batangas.     Binawian ng buhay si Jovit sa ICU (intensive care unit) ng Jesus of Nazareth Hospital dahil sa aneurysm, […]