• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P470 taas sahod sa NCR, iminumungkahi

HUMIRIT na ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng P470 taas-sahod o P1,007 daily minimum wage sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ito’y kasunod ng inihaing petisyon ng hanay ng mga manggagawa sa Regional Tripartite Wa­ges and Productivity Board (RTWPB)-NCR Office bunsod ng lingguhang taas sa presyo ng produktong petrolyo at pangunahing bilihin sa bansa.

 

 

“Clearly, our minimum wage earners and their families have fallen from the category of low-income to newly poor,” pahayag ni TUCP Partylist at President Raymond Mendoza.

 

 

Inihayag ni Mendoza na lubha itong nakakalungkot para sa bansa na nais palaguin ang ekonomiya para makaahon sa pandemya pero nagdurusa ang mamamayan sa kahirapan.

 

 

Ang daily minimum wage sa NCR ay nasa P500 hanggang P537, base sa National Wages and Productivity Commission ng DOLE.

 

 

Ipinunto ng TUCP na ang kasalukuyang P12,843.48 take home pay ng mga manggagawa ay masyadong mababa kumpara sa P16,625 ‘po­verty threshold” para sa pamilyang may 5 miyembro sa Metro Manila.

 

 

“In 2019, our wage petition was dismissed. In 2020, COVID-19 took its toll on us. In 2021, we fought to recover and endured. Today, we make an action for and behalf of the poor workers and their families in Metro Manila. We are waging our war against poverty, we are aiming for a wage that will save our lives,” ang sabi pa ni Mendoza. (Daris Jose)

Other News
  • GERALD, umaming napakainit ang naging comment ni JULIA sa trending boxer briefs scene niya

    “GULAT nga ako nag-trending, ganyan suot ko araw-araw,” natatawang sagot ni Gerald Anderson nang matanong sa reaksyon sa viral video na kung saan suot niya ang white boxer briefs.       Sa isang virtual interview na inilabas sa Star Magic YouTube account, naitanong nga ang eksenang kuha sa teleseryeng Init sa Magdamag na kung […]

  • CRITICS RAVE ABOUT DEV PATEL’S INTENSE AND THRILLING ACTION MOVIE “MONKEY MAN,” NOW SHOWING IN CINEMAS

    “Monkey Man,” Oscar® nominated actor (“Lion,” ”Slumdog Millionaire”) Dev Patel’s directorial debut, has a raw and intense power that is best experienced on the big screen.         Says cinematographer Sharone Meir of the film and director Patel: “I’m proud of how cohesive and unified the feel and the look of the movie is. I’m […]

  • PAGSINGIL NG GENERATION COST NG MERALCO, PINALAGAN

    IKINADISMAYA ng isang Obispo ang panibagong pagtataas ng singil sa kuryente ng mga konsyumer sa National Capital Region (NCR) at iba pang karatig lalawigan.     Ayon Cubao Bishop Honesto Ongtioco na hindi makatarungan na sisingilin sa mga consumer ang generation cost ng Manila Electric Company (MERALCO) noon taong 2013.     “How can they […]